Mga Pinoy Paralympian, gagawaran ng parangal ng Malakanyang
Pagkatapos ng kampanya ng ating bansa sa Paris Paralympics 2024, uuwi na sa linggong ito ang Philippine Paralympics team.
Gagawaran ng pagkilala at paranagal ang anim na atletang sumabak sa Paralympic Games sa Paris, sila ay sina: archer Agustina Bantiloc, taekwondo jin Allain Ganapin, wheelchair racer Jerrold Mangliwan, javelin thrower Cendy Asusano at swimmers Angel Mae Otom at Ernie Gawilan.
Bagaman walang naiuwing medalya ang mga Paralympian athlete ng bansa, ay makakatanggap naman sila ng hero's welcome mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, kinikilala ng Pangulong Marcos Jr ang naging kontribusyon ng lahat ng atletang Pinoy hindi lamang ang mga Paralympian athlete ng bansa, suportado din aniya ng Pangulong Marcos ang mga pagsisikap ng mga atletang Pinoy.
“Sobrang supportive ng ating Presidente na kinikilala at kinikilala ang pagsisikap ng ating mga atleta,” ani Barredo
Nagpapasalamat din ang pamunuan ng Philippine Paralympic Committee kay Pangulong Marcos dahil kinikilala at sinusuportahan na ng pamahalaan ang mga atletang sumasabak sa mga Olympic Games.
"Kami ay nagpapahayag ng aming pasasalamat sa Pangulo para sa kanyang buong suporta. Ang aming Chief Executive ay nagparamdam sa amin na talagang espesyal," dagdag pa ni Barredo