Ikalimang titulo sa Mobile Legends target ng Pilipinas sa M6 World Championships sa Malaysia

Rico Lucero
photo courtesy: PSA

Target ng dalawang koponan na kakatawan sa Pilipinas ang ikalimang sunod na korona para sa isasagawang Mobile Legends M6 World Championships sa Kuala Lumpur Malaysia sa Nobyembre 28 hanggang Disyembre 15.

Ang Fnatic Onic PH na pinangungunahan ni coach Tony Senedrin at ang Aurora MLBB na pinangngunahan naman ni coach Aniel ‘Master the Basics’ Jiandani ang dalawang Philippine teams na sasabak sa MLBB M6 World Championship. 

Ayon kay Aurora Gaming coach Aniel “Master the Basics” Jiandani, handa na umano sila at doble kayod na kanilang ginawa sa pag-eensayo maging ang kanilang paghahanda para sa nasabing kompetisyon. 

“We’re ready. We doubled all our efforts in the preparation," ani  coach Jiandani. 

“We’re not looking too far ahead at this time. We’ll see,” sabi naman ni Senedrin

Makakaharap ng Fnatic Onic PH ang reigning MPL Indonesia champion Team na Liquid ID, habang ang Aurora Gaming naman ay haharapin ang nangungunang koponan mula sa Myanmar, ang Falcon Esports.

“Lahat naman first time so sa tingin ko pantay pantay lang,” dagdag pa ni  Jiandani.