Jordan Heading, nakuha ng Converge FiberXers

Juan Karlo Libunao (JKL)
Photo Courtesy: SGA

Maglalaro na ang Filipino-Australian guard na si Jordan Heading sa Philippine Basketball Association (PBA) sa pagsisimula ng Season 49 Commissioner's Cup.

Nakuha ng Converge FiberXers ang 6-foot-2 na guard nang makipag-trade sila sa Terrafirma Dyip kapalit nina Aljun Melecio, Keith Zaldivar, at ang kanilang future first-round pick sa PBA Season 51 Rookie Draft.

Ayon kay Converge assistant coach Charles Tiu, excited siyang makasama ulit si Heading na naging player niya sa international competitions, kabilang na ang paglalaro nito sa Strong Group Athletics kung saan nakuha nila ang gintong medalya sa 43rd William Jones Cup.

“It feels great to be reunited with Jordan,” pagbabahagi ni Tiu sa isang interview.

“He’s been one of my go-to guys with Strong Group, especially during our campaigns in Dubai and the Jones Cup. Having him on the team brings a lot of confidence—he knows what it takes to win and how to make big plays when it matters,” dagdag ni Tiu.

“After the Jones Cup, I was talking to him about how much I wanted to work with him again.”

“Big credit to our management and Gov. Archen Cayabyab for making the deal happen. They put in the work to bring Jordan here, and we’re all thrilled to have him join Converge,” pagtatapos ni Tiu.

Si Heading ang first overall pick ng Gilas special draft noong 2020.

Ngunit hindi siya nakapaglaro sa PBA sapagkat mas pinili niyang maglaro sa labas ng bansa. Naging bahagi siya ng T1 club Taiching Wagor noong 2021-22 season bago napunta sa B.League at kalaunan ay naglaro sa Nagasaki.

Samantala, si Melecio ay isa sa mga manlalarong kinuha ni dating coach FiberXers Aldin Ayo via trade at naglaro ito sa Converge sa loob ng dalawang taon, habang si Zaldivar naman ay nakuha ng koponan mula sa free agent signing noong nakaraang taon.

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
7
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
7
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
7
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHolliesJeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
10
Read more

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
7
Read more

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
7
Read more

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
8
Read more

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
8
Read more

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
10
Read more

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
25
Read more

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
32
Read more

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
26
Read more

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
26
Read more

Jamie Malonzo, maglalaro na sa Kyoto Hannaryz sa Japan B.League

JamieMalonzoBarangayGinebraSanMiguelKyotoHannaryzPBAJapanB.LeagueBasketball
22
Read more