MMA World Champion Eduard "Landslide" Folayang suportado ang nalalapit na debut fight ni Erika Bomogao

Rico Lucero
photo courtesy: Handout/ONE Championship

Buo ang suporta ni dating two-time ONE Lightweight MMA World Champion na si Eduard "Landslide" Folayang kay Filipina Muay Thai rising star Islay Erika Bomogao para sa nalalapit na debut fight nito sa November 8 sa Lumpinee Stadium sa Bangkok, Thailand. 

Makakalaban ni Bomogao ang Japanese striker na si Fuu sa isang 100-pound catchweight Muay Thai laban sa ONE Friday Fights 86. 

Sa palitan ng conversation ni Folayang at Bomogao sa social media, sinabi ng dating two-time ONE Lightweight MMA World Champion na nakita umano nito kung paano lumaki at naging mahusay na mandirigma at martial artist si Bomogao. 

"I saw how this young lady grew into a great martial artist. Godspeed on your upcoming pro bout Islay, get that big win,” ani Folyang patungkol kay Bomogao.

"You are doing great, champ. Welcome to the platform to showcase your skill, ONE Championship,"  dagdag pa ng dating kampeon.

Matatandaang sina Folayang at Bomogao ay parehong nagsanay sa ilalim ng Team Lakay, at noong mga panahong iyon ay kilala na si Folayang sa mundo ng combat sports na ito kung saan si Bomogao naman ay nagsisimula pa lang ng kanyang karera sa larangan ng Muay Thai. 

Ayon naman sa social media post ni Bomogao, ipinagpaslamat nito ang suportang ibinigay ni Folayang para sa kaniyang nalalapit na laban at isa si Folayang sa mga may malaking kinalaman para lalo pa nito pagbutihin ang pag-eensayo at magkamit ng panalo sa sports na ito.

"You were one of my biggest influence growing up. Noong medyo bean training pa ako sa gym, nag-stay ako ng late after our junior class sessions para mapanood kita at ang senior elite team train. You guys starstruck me every day. Thank you for inspiring me,"  sagot naman ni Bomogao kay Folayang. 

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more