Mga bagong kalahok sa Philippine National Para Games, ipinakilala

Keanna Wren
PHOTO COURTESY: PHILIPPINE SPORTSWRITERS ASSOCIATION

Pormal na babalik ang Philippine National Para Games sa Rizal Memorial Sports Complex at Philsports Arena mula Nobyembre 11 hanggang 14. Mahigit 900 aspiring para athletes mula sa 72 lungsod at probinsya, gayundin mula sa limang stand-alone na organisasyon ang maglalaban-laban para makuha ang top spot.

Huling ginanap ang Palaro sa Malolos, Bulacan, noong 2019, bago ipinagpaliban dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Philippine Paralympic Committee (PPC) at PHILSPADA president Michael Barredo.

Ang ikawalong yugto, gayunpaman, ay malapit ng maisakatuparan sa tulong ng Philippine Sports Commission.

Sa ginanap na Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Conference Hall ng Rizal Memorial Sports Complex, sinabi ni PPC secretary-general Goody Custodio sa media na, "Ito rin ang pinakamalaking pagkakataon para sa amin na pumili ng mga manlalaro para sa pambansang Para team." 

Ang archery, athletics, badminton, boccia (isang precision ball sport), chess, powerlifting, swimming, table tennis, at wheelchair basketball ay kabilang sa siyam na sports na lalahukan sa Para Games.

Ang PPC ay mayroong layuning itanghal ang para sports development at inclusivity kung kaya’t sa unang pagkakataon ay lalahok sa Para Games ang mga midgets o little people.

“Yes, talagang kasama sila sa physical impairment. This will be their first time joining,” saad ni Joel Deriada, head coach of Philippine Para Athletics Team. “Ito iyong isa sa mga kulang natin. Since the pandemic, we, coaches, are really searching all over the Philippines.”

Ipinagpatuloy ni Deriada na natagpuan nila ang kanilang asosasyon sa Luzon, Pampanga, at Caloocan, at kanilang inimbita ang mga ito. Ipinaliwanag at ipinakita nila na mayroong sports competition na para sa lahat.

Ang powerlifting, badminton at throwing event tulad ng shot put, discus throw, at javelin throw, ay ilan lamang sa mga para sports event na maaaring salihan ng midgets.

“Isa itong pagkakataon para sa ating mga Para athletes na lumabas sa kanilang comfort zones and have fun competing. To some, it’s life changing,” dagdag ni Deriada.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more