Klay Thompson, nakapagtala ng kaniyang ika-2,500 career three-pointers
Muling nakapagtala si Dallas Maverick star Klay Thompson ng isa pang historic milestone sa NBA noong Biyernes kontra sa Houston Rockets nang makuha niya ang kanyang ika-2,500 career three pointers.
Nangyari ito sa oras na 3:59 sa 4th quarter ng laro.
Bagaman bigo ang Mavericks na makuha ang panalo, 102-108, at 12 points lang ang naiambag ni Thompson sa laro, natutuwa pa rin ito sa nakamit na achievement sa kanyang karera sa NBA.
Si Thompson na ang ika-anim na NBA player na nakapagtala ng may pinakamaraming 3-pointers na nagawa sa kasaysayan ng liga.
Samantala, nanguna naman sa may pinakamaraming 3-points made si Stephen Curry na mayroong 3,758, na sinunandan naman ni Ray Allen na may 2,973, pangatlo si James Harden na mayroong 2,950, pang-apat si Damian Lillard na mayroong 2,619 at pang lima si Reggie Miller na mayroong 2,560.
Matatandaang naging bahagi din si Thompson sa Golden State Warrior sa loob ng labing tatlong taon at mayroong apat na kampeonato, bago ito lumipat sa Dallas Mavericks nitong off season ng NBA.