“Go For Gold Cycling Series” mas palalawakin sa susunod na taon

Rico Lucero
photo courtesy: PSA

Naniniwala ang founder ng Go for Gold na si Jeremy Go na may mas nakakagulat pa ang dami ng talento ang kanilang matutuklasan sa hanay ng mga Filipino bikers, kung palalawakin pa nila at paiigtingin ang pagsasagawa ng Cycling race sa bansa.

Kaya naman, isang mas malaki at mas mahusay na “Go For Gold Cycling Series” ang kanilang inihahanda para sa susunod na taon matapos ang matagumpay na pagsasagawa ng three-leg criterium races ngayong season.

“Ang layunin talaga ng karera ay magbigay ng avenue para sa mga siklista, para sa mga Pilipinong siklista, at sa parehong oras, upang scout talent para sa aming cycling team,” sabi ni Go sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Rizal Memorial Sports Complex.

Binanggit din ni Go kung gaano karaming mga promising talent ang hindi napapansin dahil hindi sila nakakasali sa mga major racing event dahil karamihan sa mga ito ay isinasagawa lang sa Luzon area.

Sinabi pa ni Go na ang kanilang foundation ay bumubuo na ng plano para makapagsagawa ng mas pinalaki at pinalawak na  karera sa susunod na taon.

“Next year, we will probably have more legs. Actually, naka-plot na iyan that we will have more legs. Luzon, Visayas and Mindanao pa rin. And then we want to add more events, especially road races and time trials. The goal of the race really is to provide an avenue for cyclists, for Filipino cyclists, and at the same time, to scout talent for our cycling team,” sabi ni Go sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum, Rizal Memorial Sports Complex.

“For next year, we have two goals. One is to have more cities involved. Actually, after the event in GenSan, I've already had two cities, two LGUs, reach out to me about doing the race, possibly in their area. And then, we also want to have different kinds of events because cycling is not just Criterium.”  dagdag pa ni Go.

Bukod pa rito, nagpaplanong lumikha ng higit pang mga kaganapan sa karera, tulad ng mga karera sa kalsada, pagsubok sa oras, at marahil isang pinagsama-samang sistema ng mga puntos upang magkaroon ng kampeon sa katapusan ng taon.

Bukod sa mga planong palawakin ang karera ng bisikleta sa ibang mga lungsod, umaasa din si Go na makakapagtatag pa sila ng isang cycling league na magbibigay inspirasyon sa maraming siklista para  lumahok at makapag-ambag sa paglago ng pagbibisikleta sa bansa.

“Hopefully, we will become bigger and better for cycling. Our goal really is Go For Gold is to have more consistent quality races for Filipino cyclists in order to increase the level of quality of the Filipino cyclists,” dagdag pa ni Go.

Matatandaang ang ikatlo at huling leg ng Go For Gold Criterium Race Series 3, ay isinagawa sa General Santos City noong nakaraang buwan, kung saan malugod itong tinanggap at umani pa ng mga positibong komento.

Ang matagumpay na isang araw na bikeathon event ay nagsilbing paraan para  tumuklas ng mga bagong talento sa larangan ng Cycling o pagbibisikleta.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more