MMA: Debut fight ni Islay Erika Bomogao, kasado na mamayang gabi
Kasado na ang debut fight ni Muay Thai fighter Islay Erika Bomogao sa One Friday Fight 86 sa Lumpinee Stadium in Bangkok, Thailand.
Makakaharap ni Bomogao ang Japanese striker na si Fuu sa isang 100-pound catchweight Muay Thai. Dahil dito, kumpiyansa din si Bomogao na magiging maganda ang pasok niya sa ONE Championship stage.
“I believe in manifesting and I see this fight with me getting my hands raised. I’ve been working on my hands, and who knows what will happen in 4 oz gloves? I think I can get a knockout,” saad ni Bomogao.
Excited na rin si Bomogao para sa kanyang laban dahil kasabay ng kanyang laban ay ang pagdaraos naman ng kanyang ika-24 na taong kaarawan. Bukod pa rito, hindi rin nito nakalimutang magpasalamat sa lahat ng kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanya.
“To all my fans, this is it. I’m here now and I’m so excited. I appreciate all your support, your messages, and everything. To everyone who hasn’t watched me fight yet, please tune in. I’m going to do my best. I hope I make everybody proud.”
"I’m very excited. If I win it will be the best birthday ever for me,” dagdag pa ni Bomogao.
Minsan nang nangarap si Bomogao na isang araw ay makakatungtong din ito at makakalaban sa One Championship, at ito na ang oras na iyon para sa kanya.
“This will be very fulfilling. I manifested this before, to compete in Lumpinee. Back in 2018, we were in Thailand at that time for foreign training for two months. One of our seniors back then was given an offer to fight in Lumpinee Stadium. I told myself back then, ‘One day, I’m going to compete there as well.’ Now here I am, I’m now going to compete there,” pagtatapos ni Bomogao..
Magugunitang matapos ang kanyang amateur career at manalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games at manguna sa 45-kilogram division ng IFMA, handa na si Bomogao na gawin ang susunod na hakbang sa kanyang debut fight sa Muay Thai division ng ONE Championship.