Pilipinas, Overall champion sa ICF Dragon Boat World Championships sa Palawan
Tinanghal ang Pilipinas bilang overall champion sa katatapos na 2024 ICF Dragon Boat World Championships na isinagawa sa Puerto Princesa City, Palawan mula October 27 hanggang nitong Linggo, November 3.
Labing-isang ginto, dalawampung silver at walong bronze medals ang hinakot ng Philippine Dragon Boat team.
Ang Southeast Asian powerhouse na bansang Thailand ay nakuha ang runner-up na may walong ginto habang ang I.N.A (Individual Neutral Athlete) squad naman ay pangatlo na may anim na ginto, tatlong pilak at tatlong tanso.
Ang Pinoy Dragon boat team ay nanalo rin sa isang mainit na pinaghalong 20-seater standard boat na 500-meter race sa loob ng dalawang minuto at 6.34 segundo, na kung saan tinalo nito ang Singapore (2:06.73) habang ang Germany ay na sa ikatlong pwesto (2:07.98).
Nagwagi rin ang mga Pinoy sa 40+ 20-seater women's 2,000-meter standard boat event (10:42.31) laban sa runner-up Canada (10:48.64) at nanalo ng mga silver medals sa 20-seater mixed standard boat na 500-meter ( 1:58.13), 40+ 10-seater na pinaghalong 500-meter (2:19.45), 20-seater open (9:23.16) at 40+ 20-seater open 5,000-meter (9:34.47) na karera.
Ngunit ang 20-seater mixed standard na 500-meters ang pinakanakakakilig dahil halos nanguna ang mga Pinoy paddlers mula simula hanggang matapos hanggang sa matalo sila sa huling 10 metro ng late-charging Ukrainians, na inagaw ang ginto sa 1:57.51.
Nasungkit din nila ang huling bronze ng araw sa 40+ 10-seater open 500-meter (2:15.93) event.
Ayon kay Philippine Canoe Kayak Dragon Boat Federation o PCKDF president Leonora "Lenlen" Escollante, natutuwa sila sa naging achievement ng bansa at hindi sila nabigo sa kanilang pag-asang mangunguna ito sa international competition.
Ikinatuwa din ni Escollante ang naging mainit na suporta ng lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa sa pagdaraos ng ganitong uri ng international sporting events, maging ang pagiging hospitable ng mga Pilipino sa mga dayuhang bisita na kalahok sa kompetisyon.
"I am very glad that our staging of this world championships yielded the main goal that our national team was aiming for by clinching the overall title right here on our shores at that. This honor is not only for the PCKF, our paddlers but also for the country. We made history practically everyday, so I am very proud of our national paddlers and how we organized this big event sanctioned by the International Canoe Federation," sabi ni PCKDF president Leonora "Lenlen" Escollante.
Para naman kay ICF Dragon Boat Commission chairman Dr. Wai Hung-Luk ng Hong Kong, isa itong pang world-class na sporting event na pinangunahan ng Pilipnas.
"All we got was positive feedback from the countries who took part in the ICF Dragon Boat World Championships," he said. "The participants were also impressed by the warm hospitality shown … and expressed their desire to come back again here."
Samantala, ang susunod na biennial global dragon boat competition ay isasagawa sa Regina, Canada, sa taong 2026.