Pinakamalaking crowd sa PBA Season 49 Governors’ Cup, naitala sa Game 4 ng Finals

Rico Lucero
photo courtesy: PBA Media/FB

Umabot sa 16,783 na mga tagahanga at supporters ang nanood sa Game Four ng PBA Season 49 Governors’ Cup Finals sa Araneta Coliseum kung saan nakuha ng Barangay Ginebra ang kanilang pangalawang panalo kontra TNT Tropang Giga, 106-92. 

Nalampasan din ng mga manonood nitong Linggo ng gabi ang turnout sa Araneta Coliseum ang bilang ng mga nanood sa Game 3. Noong nakaraang Biyernes, umabot sa 11,320 ang audience kung saan tinalo din mng Gin Kings ang TNT sa score na 85-73, habang noong Game 1 naman ay umabot sa 11,021 ang mga fans na nanood sa laban at naitala ang pinakamalaking PBA crowd sa kasaysayan ng Ynares Center. 

Bumaba ang mga manonood ng PBA mula noong finale ng Ginebra-Bay Area, noong 2022-23 Commissioner's Cup finals ngunit ang mga tagahanga ng dalawang koponan ay unti-unting nagbabalikan para sa nakakaintrigang sagupaan sa pagitan ng Gin Kings at ng Tropang Giga.

Matatandaang nagkaroon ang PBA ng pinakamalaking turnout mula nang talunin ng Barangay Ginebra ang Bay Area Dragons sa Game Seven ng 2022-23 Commissioner's Cup finals sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa muling sagupaan ng dalawa sa Miyerkules, November 6, maaaring maging isa pang hit sa mga manonood at fans ng Ginebra at TNT dahil uungos sa 3-2 lead ang mananalo sa laban at mas mapapalapit na makuha ang kampeonato.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more