Gin Kings nakakuha ng isa pang panalo sa Game 4 vs. Tropang Giga
Maganda ang naging ikot ng bola para sa Barangay Ginebra at naging mahigpit ang depensa upang itabla ang serye laban sa TNT Tropang Giga, sa Game 4 ng PBA Season 49 Governors’ Cup Finals sa Araneta Coliseum, 106-92.
Sa first quarter pa lang ng laban ay kapwa naging agresibo na ang dalawang koponan at sa kalagitnaan ng first quarter ay nakalamang na agad ang Gin Kings, subalit tinatapatan naman ito ng mga tira ng Tropang Giga.
Ayon kay coach Tim Cone, pagdating aniya sa kanilang opensa, ay tiniyak muna nilang makagawa ng malalaking puntos at yun aniya ang nagawa nila Justin Brownlee, Stephen Holt, at Maverick Ahanmisi.
Lalo namang hinigpitan ng Tropang Giga ang kanilang depensa at opensa sa fourth quarter subalit hindi nito napigilan ang mga pinakakawalang 3-point at 4-point shots nila Brownlee, Holt, at Ahanmisi kaya nakuha ng Gin Kings ang 104-92 lead na siya ring nagdala sa kanila sa panalo.
“In terms of our offense, we just kept making big shots when we needed to. We’ve been doing that pretty much all conference long. It seems like when the team started to make a run at us, somebody hits a big shot. Stephen was the one making those big shots, Maverick hit that big four, Justin had one. We’ve been fortunate that we’ve been hitting the big shots when it counts,” sabi ni Cone.
“This is the finals, it’s going to be a tough go offensively always in the finals. Everybody wants to win so badly that it’s never just about making shots. It’s always about how much guys are going to defend and rebound and hustle. And that’s what we’ve been able to do this last two games,” dagdag pa ni Cone.
Nanguna sa panig ng Gin Kings si Brownlee na may 34 points, anim na rebounds at apat na assist, habang sina Japeth Aguilar, Ahanmisi, at Holt ay may tig-18 puntos, habang ang dating MVP na si Scottie Thompson ay nagtala ng 12 markers para sa opensa ng Ginebra.
Nakatakdang isagawa ang Game 5, sa Miyerkules ng gabi, Nov. 6, sa Araneta Coliseum.
The Scores:
GINEBRA 106 – Brownlee 34, Ahanmisi 18, J.Aguilar 18, Holt 18, Thompson 12, Abarrientos 5, Devance 1, Tenorio 0, Cu 0, Pinto 0
TNT 92 – Hollis-Jefferson 28, Oftana 26, Nambatac 15, Castro 9, Pogoy 9, Erram 3Aurin 2, Heruela 0, Khobuntin 0, Williams 0
Quarters: 30-25, 54-42, 85-77, 106-92