Gilas Pilipinas 15-players pool, inilabas na

Rico Lucero

Inilabas na ng Gilas Pilipinas ang listahan nito para sa 15 manlalaro  na sasabak sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Nobyembre 21 at 25 sa Mall of Asia Arena.

Pinangunahan ito nina PBA eight-time MVP June Mar Fajardo at Gilas naturalized player Justin Brownlee kasama sina Ange Kouame (naturalized), Jamie Malonzo, Chris Newsome, Japeth Aguilar, Mason Amos,, Aj Edu, Calvin Oftana, CJ Perez, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Kai Sotto, Carl Tamayo at Scottie Thompson.

Kunimparma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang pagkakasama muli ni Kouame sa line-up para maghanda sa darating na Qualifiers.

Ayon kay SBP Executive Director Erika Dy, sasabak din si Kouame sa Gilas camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna mula Nobyembre 15. 

Sinabi pa ni Dy na ang pagkakaroon ng maraming naturalized players sa unang pool na isinumite sa FIBA ay pinapayagan, hanggang sa bisperas ng laro kung saan gaganapin ang isang technical meeting para i-finalize ang roster.

“The night before [a game], may technical meeting. Dapat isa na lang ang naturalized [player mo],” ani Dy. 

Ang presensya naman ni Kouame ay nagbibigay kay Cone ng opsyon na ipahinga si Brownlee sa isa sa dalawang qualifiers. Sa ilalim ng panuntunan ng FIBA, ang Gilas Pilipinas ay kailangang pumili sa pagitan ni Brownlee at Kouame kung sinong naturalized player ang lalaro sa bawat isa sa dalawang laro sa kasalukuyang window. 

Si Brownlee na bahagi ng orihinal na grupo ng mga manlalaro sa ilalim ni Gilas coach Tim Cone, ay inaasahang makakapag laro pa rin sa FIBA window pagkatapos pamunuan ang Barangay Ginebra sa nakakapagod na PBA Governors' Cup Finals kung saan sila ay nabigong makuha ang korana at pinag-uusapan din ang lagay ng kanyang kalusugan.

Samantala, sigurado na ring makakapaglaro si Kai Sotto para sa Gilas Pillipinas sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers sa darating na Nobyembre 21 at 25, kahit nagkaroon ito ng ankle sprain noong nakaraan nitong laro.

Ayon kay Richard Del Rosario, deputy coach ng Barangay Ginebra at University of Perpetual Help, idinagdag din nila si Sotto sa Gilas training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba City, Laguna. 

“Oo, sasali siya sa Gilas. Minor sprain lang yung injury niya a couple of days ago,” ani Del Rosario. 

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more