NBA veteran player Ed Davis ikakarga ng NLEX sa Commissioner’s Cup
Ikakarga ng NLEX Road Warriors sa susunod na PBA conference ang dating NBA player na si Ed Davis bilang kanilang import sa Commissioner's Cup.
Ito ang kinumpirma ni NLEX team manager Virgil Villavicencio. Si Davis ay darating mula sa isang stint sa Cangrejeros de Santurce sa Puerto Rico.
Ayon kay NLEX head coach Jong Uichico, inaasahan nilang sa Linggo, November 10 ay darating na siya sa bansa para mapag-usapan kung paano ito makakatulong sa koponan para makakuha ng panalo sa darating na mid-season tournament ng PBA.
“Hopefully, he’ll be here by Nov. 10. We’re thrilled to have Ed on board. He brings a wealth of experience and leadership that we believe will help us. We’re optimistic that he’ll be able to matchup against the league’s top big men and make a huge difference in our campaign this conference,” said Uichico.
Si Davis ay nanalo ng NCAA championship kasama ang North Carolina at naging first round pick (No. 13 overall) ng Toronto Raptors noong 2010 NBA draft. Naglaro din si Davis nang higit isang dekada sa NBA at naglaro sa Memphis, LA Lakers, Portland, Brooklyn, Utah, Minnesota, at Cleveland.
Dati rin siyang naglaro kasama ang Mets de Guaynabo sa Puerto Rico at pagkatapos ay napunta sa Chinese Basketball Association kasama ang Xinjiang Flying Tigers.
Sa kanilang Governors’ Cup campaign umabot ang Road Warriors sa quarter final round ngunit nabigo sa mga kamay ng Rain or Shine Elasto Painters kaya’t sa pagdating ni Davis umaasa silang matulungan nito ang koponan upang mas gumanda ang kanilang maipakita sa Commissioner’s Cup.