PBA: Best Player of the Conference at Best Import award iginawad kina June Mar Fajardo at Rondae Hollis-Jefferson

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Ginawaran ng pagkilala ng PBA ang dalawa sa mga mahuhusay na manlalaro sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Governors’ Cup. 

Ito ay sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga import na si Rondae Hollis-Jefferson. 

Si Fajardo ay nakatanggap ng unprecedented 11th Best Player of the Conference habang si Hollis-Jefferson naman ay nakuha ang kanyang ikalawang Best Import award. 

Ang ika-11th Best Player of the Conference award na natanggap ni Fajardo sa kasalukuyan ay siya pinakamaraming bilang sa liga.

Naungusan ni Fajardo ang teammate niyang si Cjay Perez, Gin Kings stars Japeth Aguilar, Scottie Thompson, gayundin sina Arvin Tolentino ng NorthPort at NLEX's Robert Bolick para sa top individual plum.

Nakakolekta si Fajardo ng kabuuang 980 puntos (465 mula sa statistics, 476 mula sa media votes at 48 mula sa player votes), habang sina Aguilar at Thompson ay nakakuha ng 664 at 465. 

Ayon kay Fajardo, hindi niya inaasahan na muli siyang makakatanggap ng pagkilala at ito ay ipinagpapasalamat niya dahil ito ay kinikilala niyang biyaya na kaniyang natanggap. 

"Hindi ko nga in-expect 'to, eh. Nasa Cebu lang ako. Masaya akong nakuha 'yung award na 'to. Blessing ito. Thankful ako sa lahat, sa inyo, sa mga teammates ko, sa mga coaches ko, sa mga kapuwa ko players Salamat sa kanila, nakuha ko 'yung award," sabi ni Fajardo. 

Kahit na itinuturing na isa sa may pinakamaraming BPC awards, isa namang katangian na hinangaan din ng marami kay Fajardo ay ang pagiging mapagpakumbaba nito sa lahat ng aspeto ng kaniyang buhay manalalaro. 

"Sa isip ko wala pa akong napanalunan. Kaya lagi kong pinu-push yung sarili ko na mag-pursige. Never umakyat sa isip ko yung mga award ko. Kini-keep ko yan, chini-cherish ko yan. Pero never umakyat sa isip. ko yang mga na-achieve ko," dagdag pa ni Fajardo. 

Samantala, nakuha naman ni TNT reinforcement Rondae Hollis-Jefferson ang Best Import award.

Si RHJ ay nanguna sa statistical race kung saan nakakuha ito ng 1,221 total points (663 mula sa istatistika, 491 mula sa mga boto sa media at 67 mula sa mga boto ng manlalaro).

Ito na ang ikalawang pagkilala na kaniyang nakuha matapos manalo sa top individual plum sa parehong kumperensya noong nakaraang taon nang tulungan ni RHJ  ang Tropang Giga na makuha ang panalo. 

Magugunitang nanguna ang Tropang Giga sa Group A sa kumperensyang ito pagkatapos ng elimination round at umaarangkada na sa Finals para makapatapt ang Barangay Ginebra.