UP women’s Badminton team, champion sa UAAP Season 87

Rico Lucero
photo courtesy: UAAP Media

Nakuha na ng University of the Philippines ang kanilang pinakahihintay na korona sa UAAP women’s badminton, matapos na matalo nito ang Ateneo De Manila University at makuha ang 3-1 na panalo sa Season 87 Finals nitong Miyerkules sa Rizal Memorial Badminton Hall sa Manila. Ito ang ika-10 kampeonato ng Fighting Maroons sa liga. 

Ipinakita ni Anthea Gonzalez ang kanyang kumpiyansa, at nag-ambag ng dalawang kritikal na panalo at nagtulak sa UP sa kanilang unang titulo mula noong kanilang three-peat mula Seasons 77 hanggang 79. 

Ang tagumpay na ito ay minarkahan din ang unang titulo ng season host ng taon. Si Gonzalez ay tinanghal na Most Valuable Player, matapos ang isang commanding performance laban kay Maxene Olango, 21-5, 21-7.

Pagkatapos ay nakipagtulungan siya sa kanyang senior na si Kimberly Lao, upang masigurado ang kampeonato sa pamamagitan ng pagdaig kina Olango at Feeby Ferrer sa isang hard-fought doubles match, nagtapos sa 21-19, 21-19.

“Lahat kami nag-sacrifice para makamit tong kampeonato na ‘to – ‘yung mga coaches, mga players. Lahat sila binigay ‘yung puso para makuha nila ‘tong championship na ‘to, kasi matagal na nilang hindi nakukuha. Lahat nag-work hard para rito, kaya siguro ito ‘yung reward sa kanila,” sabi ni UP head coach Ariel Magnaye.

Ang reigning MVP ng Ateneo na si Mika De Guzman, ang unang naka-iskor para sa Blue Eagles, na lumaban sa nakakapagod na 97 minutong laban kontra kay 32nd SEA Games bronze medalist na si Susmita Ramos, na sa huli ay nanalo sa 18-21, 21-8, 23-21.

Gayunpaman, ito ang naging huling laban niya para sa five-peat bid ng Ateneo, habang nakabangon si Ramos sa doubles match. Tiniyak ni Ramos, na poprotektahan nila ng kanyang partner na si Dianne Libaton ang kanilang perpektong doubles record.

Samantala, nakakuha naman ang junior-rookie duo na sina De Guzman at Althea Ocampo ng panalo para sa UP, 21-13, 21-19.

“Yung consistency at ‘yung na-build nilang relasyon sa ginagawa nila, kung andon pa rin, tingin ko kaya ulit lang makuha ‘to next season. Kasi iba na ‘yung naging stronger ‘yung relasyon nila, solid na talaga,” dagdag pa ni Magnaye. 

Sa individual category, si Althea Ocampo ng Ateneo ang tinanghal na Rookie of the Year sa women's division, habang si Lanz Zafra ng NU ay ginawaran ng MVP sa men's division, at si Shan Clar ng UP ang kinilala bilang top rookie.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more