SMB wala pa ring nakuhang panalo sa EASL vs. Taoyuan Pauian Pilots
Muling nakalasap ang San Miguel Beermen ng kanilang ikalawang sunod na pagkatalo kontra sa Taoyuan Pauian Pilots, 101-85, sa kanilang mainitang laban sa East Asia Super League (EASL) sa PhilSports Arena kagabi.
Hindi rin nakaporma ang Beermen sa higpit ng depensang ipinakita ng mga bisitang Taiwan Basketball team at manapa’y nagpasabog agad ang mga ito ng 32-13 na lamang sa ikalawang quarter ng laro dahilan kung kaya tinambakan nito ang Beermen sa Group A.
Samantala, sina Brown at Miller naman ay nakatanggap ng technical at unsportsmanlike foul, habang si Jericho Cruz ay nakakuha ng disqualifying foul na naging dahilan ng kanyang maagang paglabas sa fourth quarter.
Sinampal ni Cruz sa mukha ang import ng Taoyuan Pauian Pilots na si Alec Brown, sa 6:32 na oras sa fourth quarter nang mangyari ang insidente kung saan lamang ng halos bente ang Taoyuan, 86-68.
Ayon kay Brown naging emosyonal ang laro para sa kanila at aminado rin itong nag-overreact siya sa kanyang paglalaro at mabuti na lang din aniya ay hindi na nagpatuloy ang sakitan sa pagitan nila at ng Beermen.
“The game was emotional. I kind of reacted to what I thought was a foul. Maybe I overreacted. It escalated more than I hoped it would. Luckily, no one got hurt, no one really did too much,” ani Brown.
Pinangunahan ni Brown ang Taoyuan Pauian Pilots, kung saan nakagawa ito ng 21 puntos sa 7-of-10 shooting sa first half para tulungan ang Pilots na 57-33 lead cushion matapos ang dikitang 25-20 na iskor sa opening quarter.
Sa kabilang banda, kumada naman si Miller ng San Miguel ng 32 puntos at 6 rebounds, wala ring nahanap na sagot ang Beermen sa mga puntos na pinakakawalan ng Taoyuan trio na sina Brown, Traevor Graham at ang skipper na si Lu Chun Hsiang na nagpakawala ng 25 points bawat isa.
Habang si Don Trollano ang nag-iisang manlalaro ng Beermen na may double-figure scoring na 13 points.
Aminado naman si SMB assistant coach Peter Martin na dismayado sila sa naging performance nila maging sa resulta ng dalawang laro. Samantala, kinilala ni Martin ang kahusayang ipinamalas ni Miller kung saan ito halos ang nagdala sa Beermen kahit pa’y hirap ang koponan na makapag-adjust sa international competition.
“We are disappointed with the two outcomes that we had. We thought we had a better chance tonight but apparently, we felt short again. We are having a hard time adjusting to the international ball, but Quincy showed up tonight.” ani coach Martin.
The scores:
Taoyuan Pauian Pilots 101 – Brown 27, Graham 25, Lu 25, Pai 11, Li 5, Lin 2, Dieng 2, Chen 2, Kuan 2, Lin 0, Qiao 0.
San Miguel 85 – Miller 32, Trollano 13, Anosike 8, Perez 8, Fajardo 7, Tautuaa 5, Romeo 4, Cruz 4, Rosales 3, Ross 1, Teng 0, Brondial 0.
Quarters: 25-20; 57-33; 83-56; 101-85.