TNT isang panalo na lang para makuha ang kampeonato sa PBA Governor’s Cup

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Isang panalo na lang ang kulang ng TNT Tropang Giga para tanghaling kampeon sa Season 49 ng PBA Governor’s Cup, matapos nilang tambakan ang Barangay Ginebra, 99-72, sa krusyal na Game 5 ng kanilang championship series nitong Miyerkules ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Ikinatuwa ni TNT coach Chot Reyes ang kanilang pagkapanalo dahil hindi ito nabigo sapagkat gumana ang kanilang depensa at opensa kontra Gin Kings. Sinabi ni Reyes na hindi na lang sila nag panic at bumalik sa kanilang pangunahing lakas sa depensa.

Ginulat din ng TNT ang Barangay Ginebra sa pinakitang mahusay na performance sa depensa at opensa upang makuha at 3-2 lead sa serye, kung kaya naman hindi malayong maaaring makuha na ng TNT ang kanilang ikalawang sunod na kampeonato sa Governors' Cup sa Biyernes sa Big Dome.

“First of all we just had to keep our heads around us and don’t panic. And number two is just focus on our strength, and that is our defense,” ani Reyes. 

Mula sa first quarter ay hindi na hinayaan ng TNT na makalamang pa ang Gin Kings. Nabawi din nila  ang kanilang defensive intensity at scoring touch sa serye lalo nasa second quarter ng laro kung saan nagkaroon ang Tropang Giga ng 30-13 surge.

Nalimitahan din ng Tropang Giga si Gin Kings import Justin Brownlee na nakapagtala lamang ng 8 puntos, habang sina Scottie Thompson at LA Tenorio ang nangunguna sa Ginebra na may tig-13 puntos.

Samantala, hindi naman nakalimutan ni coach Chot ang mga kontribusyon ni Kelly Williams na kumamada ng 11 puntos, kasama ang unang pitong puntos sa first quarter ng laban. Ito rin unang pagkakataon sa serye na napabilang sa first five ng TNT si Williams.

Umaasa din si coach Reyes na masu-sustain pa umano niya ito para sa natitira pang serye. 

“Kelly’s contribution to us is his defensive ability and his energy. He does a lot for us defensively that’s very important in our scheme of things. We hope he can sustain it some more for the rest of the series,” ayon kay Reyes.

The scores:

TNT 99 – Hollis-Jefferson 16, Pogoy 16, Oftana 15, Williams 11, Castro 10, Nambatac 7, Erram 7, Exciminiano 6, Khobuntin 4, Heruela 3, Galinato 2, Aurin 2, Payawal 0, Ebona 0, Varilla 0.

Barangay Ginebra 72 – Tenorio 13, Thompson 13, Holt 10, Brownlee 8, Abarrientos 7, J. Aguilar 6, R. Aguilar 5, Cu 5, Pessumal 4, Ahanmisi 1, Adamos 0, Pinto 0.

Quarters: 26-20; 56-33; 79-48; 99-72.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more