NEWS AND INTERVIEWS

Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino

Ipapasubasta na ni nine-time PBA MVP June Mar Fajardo ang kaniyang unang MVP trophy para magpa-abot ng tulong sa mga kababayan nito sa Cebu na nasalanta ng Bagyong Tino. Ayon kay Fajardo, pinili nito ang unang MVP trophy dahil ito ang resulta ng kaniyang pagsusumikap sa paglalaro ng basketball.“Yung trophy na ’yon, espesyal sa akin kasi years of hard work ’yon. Pero mas espesyal sa akin ang mga Cebuano,” ani Fajardo. Labis din na nalungkot si Fajardo sa sinapit ng kaniyang mga kababayan sa Cebu lalo na ang mga nawalan ng tahanan, ng ikabubuhay, at ng minamahal sa buhay. Hinimok din nito ang mga Cebuano na patuloy na magdasal at umasa sa tulong na magmumula sa Diyos at huwag mawalan ng pag-asa. “Masakit makita na ang daming nawalan — bahay, hanapbuhay, at pamilya. Alam kong mahirap bumangon, pero tiwala lang tayo, pray lang tayo kay God. Magpo-provide naman si God para sa atin.” ani Fajardo.
JuneMarFajardoLeoAustriaSanMiguelBeermenPBAPBA50Basketball
1
Read more

Kita sa EASL Cebu game sa Sabado, para sa mga biktima ng ‘Tino’

Magbibigay ng donasyon ang East Asia Super League para sa mga nasalanta ng Bagyong Tino sa lalawigan ng Cebu. Ito ay sa pamamagitan ng “Relief Game” ng EASL sa pagitan ng Meralco Bolts at ng Macau Black Bear sa darating na Sabado, Nobyembre 15. Ayon kay EASL CEO Henry Kerins, lahat ng kikitain ng labang ito sa Sabado, ay mapupunta lahat sa mga biktima ng Bagyong Tino. “All proceeds from the game are matched by Cebu City and Cebu Governor for relief. Landmark night for the league (with) its first charity game for disaster relief…all ticket revenue will go directly to those affected by the earthquakes and flooding that hit Cebu.” ani Kerins.Umaasa ang EASL na makakapagbigay ng bagong pag-asa ang basketball for a cause lalo’t tampok sa Meralco Bolts ang proud Cebuano na si Raymar “Toto’ Jose.Ito ang magiging ikalawang EASL game sa Cebu matapos ang hosting ng 2024 EASL Final Four sa Hoops Dome sa Lapu-Lapu City tampok ang kampeonato ng Chiba Jets ng Japan kontra sa Seoul SK Knights ng Korea.
ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollis-JeffersonMeralcoBoltsEASLEastAsiaSuperLeagueTaoyuanPauianPilotsBasketball
1
Read more

Alex Eala, sasabak sa 2025 MGM Macau Tennis Masters sa Disyembre

Sasabak si Filipina tennis star Alex Eala sa isasagawang 2025 MGM Macau Tennis Masters sa susunod na buwan. Makakasama ni Eala ang mga mahuhusay na mga tennis player kung saan isang exhibition format ang ipatutupad sa naturang event na pangungunahan nina tennis legends at dating Grand Slam champion Li Na at Conchita Martinez.Bukod kay Eala, masisilayan din sa naturang naturang event sina world No. 9 Mirra Andreeva, at sina ATP players Shang Juncheng, Jack Draper at Jakub Menšík.Una rito, maglalaro muna si Eala sa isasagawang 33rd SEA Games sa Thailand sa darating na Disyembre 9 hanggang 20 sa Thailand bago lumahok sa Macau Tennis Masters. Ito na rin ang huling season ng paglalaro ni Eala ng tennis sa taong ito. “My season comes to an end. I have no words to describe what 2025 has brought me. My dreams have truly come alive,” ani Eala.
AlexEalaPhilippineTennisPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeTennis
3
Read more

Bolts target ang ikalawang panalo kontra Macau Black Bears sa Cebu

ChrisBancheroChrisNewsomeRondaeHollies-JeffersonLuigiTrilloMeralcoBoltsMacauBlackBearEastAsiaSuperLeagueEASLBasketball
4

Pasig City, nakuhang muli ang overall champion sa Batang Pinoy

AllAthletesPasigCityLGUBatangPinoyPhilippineSportsCommissionDepEdAllSports
4

Terafirma Dyip, may pagbabago na sa Ilalim ni Coach Ronald Tubid

RonaldTubidGeoChiuShawnUmaliTerrafirmaDyipPBASamahangBasketbolngPilipinasPBA50Basketball
4

GIlas Pilipinas sisimulan na ang ensayo sa Nobyembre 18

TimConeJuneMarFajardoJaphetAguilarKevinQuiambaoGilasPilipinasSamahangBasketbolngPilipinasPhilippineOlympicCommitteeBasketball
3

PSC Chair Patrick Gregorio pamumunuan ang bagong tatag na NST-IAC

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionDepartmentofTourismPAGCORDILGDBMAllSports
4

Alex Eala tuloy sa Round of 16 matapos umatras si Katie Boulter

AlexEalaHongKongOpenWowenTennisAssociationPhilippineSportCommisionPhillipineOlympicCommitteeTennis
9

NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament

RobertBolickSedrickBarefieldBlackwaterBossingPhoenixFuelMastersNLEXRoadWarriorsConvergeFiberXersBasketballPBAPBA50
24

Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

CoachJorgedeBritoJiadeGuzmanDellPalomataEyaLaureTheaGagateAlasPilipinasZusCoffeeCreamlinePhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteeVolleyball
31

Meralco Bolts, sasabak muli sa EASL sa ikatlong pagkakataon

ChrisNewsomeMeralcoBoltsBasketballEASL
25

PBA handa nang tumanggap ng aplikante para sa 2025 Rookie Draft

JustinBaltazarStephenHoltBrandonGanuelasRosserJoshuaMunzonPBABasketballPBA50PBADraft
25

BLOG

For some, sports betting is a means of entertainment, for others it is a way to earn extra money. However, few people are able to correctly predict the outcome of a sporting event, and these people are called professional betting players.

This section publishes articles by experienced betting players, as well as many other interesting materials for those who want to learn how to bet on sports and succeed in this.

Ang tagumpay ng NorthPort Batang Pier ngayong Commissioner’s Cup

Kilala ang NorthPort Batang Pier bilang isang koponan na laging nasa ilalim ng team standings, ngunit nag-iba ang ihip ng hangin nang magsimula ang PBA Season 49 Commissioner’s Cup.Sa unang salang pa lamang nag NorthPort sa mid-season conference, ipinakita na nila ang kanilang panibagong lakas ng talunin ang NLEX Road Warriors sa score na 114-87.Sinundan agad nila ang magandang panalo nang talunin nila ang Terrafirma Dyip sa score na 103-101.Nasubukan naman ang karakter ng Batang Pier nang makaharap nila ang Magnolia Hotshots at nakuha ang manipis na 107-103.Ipinakita naman nila na hindi na sila basta-bastang koponan sa ngayon ng talunin nila ang Governors’ Cup champions, TNT Tropang Giga sa isa pang dikitang laban, 100-95.Nakuha naman nila ang ikalimang sunod na panalo laban sa Converge FiberXers, 108-101.Napatid naman ang winning streak ng NorthPort ng makaharap nila ang noong-wala pang panalong Phoenix Fuel Masters, 109-115.Ngunit pagkatapos ng pagkabigo, muling bumangon ang Batang Pier at pinatumba ang guest team na Hong Kong Eastern, 120-113.Wala nang bibigat pa sa kanilang huling laban sapagkat dito nasukat ang kanilang kakayanan nang malagpasan nila ang matinding pressure nang makaharap nila ang crowd-favorite Barangay Ginebra San Miguel.Kahit na umabot ng 18 puntos na kalamangan ang NorthPort sa Ginebra, tatlo lang ang naging lamang ng Batang Pier sa never-say-die na Gin Kings ng matapos ang laro, 119-116.Sa panalong iyon,naipakita ng NorthPort na kaya na nilang makipagsabayan sa malalakas na koponan at handa na sila para sa iba pang mabibigat na laban.Matamis din ang kanilang naging panalo sa Ginebra sapagkat natapos na rin ang kanilang 14-game losing skid laban sa Gin Kings na ngayon lang nila muling natalo mula noong December 14, 2019. Ano nga ba ang dahilan kung bakit 7-1 ang win-loss record ng NorthPort Batang Pier ngayong Commissioner’s Cup?Unang-una ay nakakuha sila ng isang maasahang import sa katauhan ni Kadeem Jack, na fit rin ang laruan sa kanilang sistema.Mula ng dumating si Jack sa NorthPort, nagkaroon ng panibagong sigla ang koponan. Si Jack ay may average na more than 30 points per game at kahanga-hangang percentage sa painted area na mahigit sa 60 percent.Sa kanilang huling laro, nagtala si Jack ng 32 points (15-of-22 field goals) at 16 rebounds para tulungan ang Batang Pier makuha ang ika-pitong panalo sa walong laro.Ikalawang dahilan ay si Arvin Tolentino na nakakapagbigay sa kanila ng MVP numbers ngayong conference na ito.Si Tolentino ay may average na 24.7 points per game, 8.0 rebounds, 3.3 assists, 1.0 steals, and 1.1 blocks. Dahil sa mga numerong ito, nakakuha siya ng 40.8 statistical points, para pumangalawa sa Best Player of the Conference race na pinangungunahan ni eight-time PBA MVP June Mar Fajardo na may 44.8 SP.Pangatlo ay ang consistency sa laro ni Joshua Munzon. Sa kanyang ipinapakitang galing sa ngayon, hindi malayong makuha niya ang Most Improved Player award sa pagtatapos ng season.Sa kanilang huling panalo, nagpakawala si Munzon ng 27 na puntos, namigay ng anim na assists, kumawit ng dalawang rebounds, at kumuha ng dalawang steals, dahilan upang tanghalin siyang Best Player of the Game.Pati ang 25-time PBA champion coach na si Tim Cone ay napabilib ng NorthPort.“NorthPort is for real. They played really well,” saad ni Cone matapos silang talunin ng Batang Pier.“They gave our defense fits all game. And just that, they are for real. We had problems stopping them. Munzon and Arvin [they] are both playing at an MVP level, and their import is a great fit,” dagdag pa ni Cone.Isa pa sa mga dahilan ay ang kanilang supporting cast na kinabibilangan nila William Navarro, Fran Yu, Evan Nelle, Sidney Onwubere, Allyn Bulanadi, Abu Tratter, Damie Cuntapay, Cade Flores at Jio Jalalon.At panghuli ay si Coach Bonnie Tan.Simula ng dumating si Tan sa NorthPort bilang head coach, nagkaroon siya ng roller-coaster ride, pero nag-tiyaga ito.Nagbunga rin ang kanyang pagbibigay ng second chances sa kanyang mga players na sinuklian naman nila ng magandang performance at team chemistry."We challenged our players in tonight's game, it's a statement game for us," saad ni Tan tungkol sa kanilang panalo kontra Gin Kings. "Everyone is questioning our status because we don't win against big teams."Maari pang paigtingin ng NorthPort ang kanilang kampanya sa Commissioner’s Cup kapag naipanalo nila ang kanilang mga laban sa Meralco Bolts, Rain or Shine Elasto Painters, San Miguel Beermen at Blackwater Bossing.Kung magpapatuloy ang takbo ng kampanya ng NorthPort Batang Pier, maari silang maging title-contender sa kasalukuyang kumperensya.
31
Read more

“Taympers”: Pagsasakatuparan ng pangarap ni Troy Rosario

Noong Nobyembre ng 2024, natupad na ang pangarap ni Jeth Troy Rosario na makapaglaro sa paboritong koponan ng kanilang pamilya - ang Barangay Ginebra San Miguel.Pumirma si Rosario ng tatlong taong kontrata para sa paborito ding koponan ng masa. Maganda ang ipinakita ni Rosario bilang Gin Kings player ng siya ay nagtala ng nine points at seven rebounds sa kanyang unang laro para sa koponan noong Nobyembre ng nakaraang taon.Kasama si Rosario sa nagtala ng 4-2 win-loss record ang Ginebra sa kanilang PBA Season 49 Commissioner's Cup campaign bago ang magkaroon ng maikling pahinga bago salubungin bagong taon.At sa pagsisimula nga ng 2025, ipinakitang muli ng dating National University stalwart ang kanyang kakayanang bumuhat ng koponan nang siya ay tanghaling Best Player of the Game sa kanilang 93-81 win laban sa powerhouse na San Miguel Beermen.Nagtala ang 6-foot-7 forward ng double-double performance na 22 points at 10 rebounds sa loob ng 33 minutong paglalaro. Mayroon din siyang isang shot block at kumamada ng 4-of-8 shooting mula sa three-point territory.Dahil sa panalo, hindi lamang ang pangarap na makapaglaro sa kanyang paboritong koponan ang natupad. Naipakita rin niya na kapag naabot mo na ang pangarap, nararapat lamang na mas paghusayan pa at dagdagan pa ang karangalan sa buhay.Susunod na makakalaban ng Barangay Ginebra (5-2) ang kasalukuyang league-leader na NorthPort Batang Pier (6-1) ngayong Miyerkules, Enero 8, sa PhilSports Arena.Pagkatapos ay kakaharapin naman nila ang dating koponan ni Rosario bago ito maging free agent. Makakaraharap nila ang Blackwater Bossing sa Linggo, Enero 11, sa Ynares Center sa Antipolo.Sa tinatakbo ng laro ng Ginebra sa ngayon, posibleng umusad pa sila pataas at maaring matupad ang isa pang parangap ng isang Jeth Troy Rosario – ang muling magkampeon sa PBA, suot naman ang jersey ng kanyang childhood dream team.
17
Read more

“Taympers”: Two-break mahalaga sa isang basketball series

Sa isang best-of-seven series sa larong basketball, napakalaking bagay na magkaroon ng two-day break.Una, maipapahinga ng mga players ang mga pagod nilang mga pangagatawan lalo na at may 48 minuto na playing time sa isang laro, magiging 53 pa kung aabot ito sa overtime. Magagamit din ng mga players ang dalawang araw na pahinga upang maka-recover sa mga injuries na meron sila.Ikalawa, makakapagbigay din ito ng oras sa mga coaches para mag-huddle ng mas maayos upang may mas maganda silang game plan na ipapakita sa susunod nilang laro.Tulad ng laging sinasabi ng mga basketball mentors, ang isang seven-game series ay isang mahabang serye kaya’t kung mas mahaba ang pahinga at paghahanda, mas makakabuti sa lahat ng koponan.Mas mapapag-aralan din ng mga coaches ang laro at mas makakapagbigay sila ng panibagong estratehiya habang hinahanda ang kanilang mga manlalaro at buong team para ibigay ang lahat ng makakaya hindi lamang sa isang laro kundi sa buong serye.Kung handa ang lahat mapa-physical, mental, psychological, o kahit pa emotional, makakapagpakita ng isang magandang laban ang mga koponan na naglalaban at magkakaroon ito ng magandang benepisyo sa lig na kanilang pinaglalaruan, at magbibigay pa ng mas mataas na interes sa fans para sumuporta sa kanilang mga laro.At kung ang mga fans ay kayang ibigay ang lahat para kanilang mga koponan na sinusuportahan, ibibigay din ng mga manlalaro ang kanilang best game upang tapatan ito at makapagbigay ng isang laban na di makakalimutan ng bawat isa. 
18
Read more

We offer you to read the latest and most interesting news about football and sports. Stay updated with the latest transfer rumors, match results, and player interviews. Discover the behind-the-scenes stories of your favorite teams and athletes.

Get insights into the tactics and strategies used by top coaches and players. Explore the world of sports through in-depth analysis and expert opinions. Keep up with major sporting events, including the Olympics and World Cups.

From football to tennis, basketball to cricket, we cover a wide range of sports to cater to your interests. Experience the thrill and excitement of the sporting world through our comprehensive news coverage. Stay tuned for all the action-packed moments and unforgettable victories