“Taympers”: Two-break mahalaga sa isang basketball series
Sa isang best-of-seven series sa larong basketball, napakalaking bagay na magkaroon ng two-day break.
Una, maipapahinga ng mga players ang mga pagod nilang mga pangagatawan lalo na at may 48 minuto na playing time sa isang laro, magiging 53 pa kung aabot ito sa overtime. Magagamit din ng mga players ang dalawang araw na pahinga upang maka-recover sa mga injuries na meron sila.
Ikalawa, makakapagbigay din ito ng oras sa mga coaches para mag-huddle ng mas maayos upang may mas maganda silang game plan na ipapakita sa susunod nilang laro.
Tulad ng laging sinasabi ng mga basketball mentors, ang isang seven-game series ay isang mahabang serye kaya’t kung mas mahaba ang pahinga at paghahanda, mas makakabuti sa lahat ng koponan.
Mas mapapag-aralan din ng mga coaches ang laro at mas makakapagbigay sila ng panibagong estratehiya habang hinahanda ang kanilang mga manlalaro at buong team para ibigay ang lahat ng makakaya hindi lamang sa isang laro kundi sa buong serye.
Kung handa ang lahat mapa-physical, mental, psychological, o kahit pa emotional, makakapagpakita ng isang magandang laban ang mga koponan na naglalaban at magkakaroon ito ng magandang benepisyo sa lig na kanilang pinaglalaruan, at magbibigay pa ng mas mataas na interes sa fans para sumuporta sa kanilang mga laro.
At kung ang mga fans ay kayang ibigay ang lahat para kanilang mga koponan na sinusuportahan, ibibigay din ng mga manlalaro ang kanilang best game upang tapatan ito at makapagbigay ng isang laban na di makakalimutan ng bawat isa.