Alas Pilipinas, sasabak sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League sa Vietnam

Pagkatapos ng kampanya ng Alas Pilipinas sa Nakhon Ratchasima, Thailand, ay patungo naman ang mga ito sa Ninh Bình, Vietnam para sa Leg 2 ng 2025 SEA V.League na magsisimula sa Agosto 8 hanggang 10, kung saan muling magtatagisan ng lakas ang Pilipinas, Thailand, Vietnam, at Indonesia.
Matatandaang nakamit ng Alas Pilipinas ang ikatlong sunod na bronze medal sa SEA V.League matapos talunin ang Indonesia, 25-20, 25-20, 16-25, 25-13, sa laban para sa ikatlong puwesto sa Leg 1. Bronze din ang nakuha nila noong 2024 sa parehong torneo.
“One step closer, more to chase,” ani Angel Canino, na pinarangalan bilang Best Outside Spiker sa Leg 1.
Si Canino rin ang tinanghal na Best Outside Hitter sa 2025 AVC Nations Cup, kung saan nagtala ng makasaysayang silver medal ang Alas Pilipinas.
Magugunitang tinalo ng bansang Thailand ang Pilipinas (25-17, 24-26, 20-25, 20-25) at Vietnam (13-25, 21-25, 25-23, 9-25) bago nakuha ng Thailand ang gold kontra Vietnam sa finals ng Leg 1.
Kasama ni Canino sa Leg 1 sina team captain Jia De Guzman, Bella Belen, Shaina Nitura, Eya Laure, Vanie Gandler, Leila Cruz, Maddie Madayag, Mars Alba, Dell Palomata, Fifi Sharma, Thea Gagate, Dawn Catindig, Justine Jazareno, at Cla Loresco.
