NLEX, Blackwater panalo sa pagbubukas ng Kadayawan Tournament
23

Pasok sa ikalawang round ng Hong Kong Open si Pinay tennis star Alex Eala matapos umatras ang kalaban niyang si Katie Boulter ng United Kingdom dahil sa injury.
Hawak ni Eala ang kalamangan sa laban, 6-4, 2-1, nang mapilitang itigil ni Boulter ang laro. Nagpaabot naman ng mensahe ng agarang paggaling si Eala sa kanyang kalaban.
Susunod na makakaharap ng 20-anyos na tennis ace si Victoria Mboko ng Canada sa Round of 16, kung saan tatangkain niyang makapasok sa quarterfinals ng torneo.