Cabagnot, pinatunayan ang pagiging “The Crunchman”
Muling ipinamalas ni Alex Cabagnot ang kanyang pagiging “crunchman” sa kanilang makasaysayang 96-95 panalo ng Converge FiberXers laban sa TNT Tropang Giga kung saan unang nagamit ang 4-point shot bilang game-winner noong Martes ng gabi sa Smart-Araneta Coliseum.
Sa laban, ang 41-anyos ay naglaro ng 22 minutes at nagtala ng 10 points (walo sa 2nd half) upang tulungang ang FiberXers na makabalik mula sa 16 na puntos na pagkakabaon.
Kabilang sa kontribusyon ni Cabagnot ang pagkumpleto isang three-point play kung saan na-foul siya ng kapwa beteranong si Jayson Castro kaya’t naibigay sa Converge ang 92-91 na kalamangan.
Sinabi ni Cabagnot na sinusuklian lang nya ang ang tiwala at oportunidad ng binigay sa kanya ng management ng FiberXers matapos siyang papirmahin ng one-year deal mula sa free agency market noong off-season.
"Sinusuklian ko lang sila," saad ng nine-time champion, na kumolekta din ng five rebounds at dawalang assists, kabilang ang 4-of-9 shooting sa field.
"I'm just trying to figure out my role with the team. Not just leadership-wise, but more on how I affected not just the intangibles, but also the tangibles,” dagdag pa niya.
Sinabi din ni Cabagnot na malaking tulong sa kanyang pag-a-adjust ang presensya ni Converge active consultant Rajko Toroman na nakatrabaho na rin nya noong sila ay nasa Petron pa mahigit isang dekada na ang lumipas.
Dahil mabilis lang ang magiging takbo ng Governors’ Cup ngayong 49th season, sinabi ni Alex na mas makakabuti kung makuha niya agad ang role ang kailangan niyang gampanan sa FiberXers.
"Mabilis lang yung conference, so hopefully I can pick it up faster," pagtatapos ni Crunchman.