Unang MVP trophy ni Fajardo ipapasubasta para sa mga biktima ng Tino
10

Target ng Meralco Bolts na masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa darating na Sabado, kontra Macau Black Bears sa nagpapatuloy na season 2025-2026 East Asia Super League.
Sasamantalahin din ng Bolts ang kanilang momentum para padapain ang kanilang magiging kalaban na isasagawa sa Cebu Coliseum.
Samantala, sa panig naman ng Macau Black Bears ito ang kanilang unang beses ng laro sa season na ito ng EASL kung kaya naman ito rin ang target nila.
Higit pa sa laban na magaganap, may espesyal na layunin din ang EASL at laro na ito sa Cebu matapos ianunsyo ng EASL na lahat ng kikitain sa ticket sales ay ido-donate sa mga nasalanta ng Bagyong Tino, na kamakailan lamang ay tumama sa bahagi ng Cebu at mga karatig na lalawigan.