Manny Pacquaio, kumpirmadong sasabak sa totoong boxing fight

Rico Lucero
Photo: spin.ph

Kinumpirma ni Pambansang kamao at eight-time world division champion Manny “Pacman”  Pacquiao na gusto na nito sumabak sa totoong boxing fight matapos ang exhibition match nito kay Japanese mixed martial artist Rukiya Anpo. 

Ang inaabangang comeback fight ni Pacquiao ay inaasahang gaganapin sa huling bahagi ng taong 2024.

Matatandaang matapos ang laban nina Pacquiao at Anpo sa Saitama Super Arena sa Japan, ay hinamon ni WBC welterweight champion Mario Barrios si Pacquiao sa Oktubre o Nobyembre. 

Bagaman hindi napatumba ni Pacquiao sa kanilang Exhibition fight si Anpo, ito na ang nagsilbing warm up fight ni Pacquiao sa pagbabalik nito sa professional boxing.

Si Pacquiao ay nagretiro na sa boxing noong 2021 matapos na matalo ito ni Yordeni Ugas ng Cuba via unanimous decision at sumabak na lamang sa pulitika.