PBA: Ikalimang sunod na panalo inangkin ng Northport vs. Fiberxers
Nasungkit ng Northport Batang Pier ang kanilang pang-limang panalo kontra Converge Fiberxers, 108-101, nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Pinatunayan ni Joshua Munzon ang kanyang pagiging agresibo pagdating sa opensa at depensa matapos na buhatin ang koponan at magtala ito ng 30 points, three rebounds, three assists, at three steals, kabilang na dito ang dalawang clutch three-points at dalhin ang koponan sa kanilang tagumpay.
Nanguna sa laro ng Batang Pier si Kadeem Jack na nagtala ng 32 points at 15 rebounds habang, mayroong 21 points at 13 rebounds si Arvin Tolentino.
Hindi namang naiwasang matuwa ni Munzon sa sunod-sunod na panalo na kanilang nakukuha sa liga ngayong conference na ito.
"It was a back and forth game, but at the end of the day, we just ended up making more shots. More than anything else, I'm happy that we're 5 and 0," sabi ni Munzon,
Sa hindi namang inaasahang pagkakataon, nadiskaril ang debut game ng No. 1 overall pick ng Converge na si Justine Baltazar.
Sinabi ni Northport head coach Bonnie Tan, nagkasundo ang buong team na hindi nila ipaubaya sa mga rookie ang laban ngayon kontra Converge.
“We just discussed na huwag naming ibibigay sa isang rookie (in his first game) yung magandang ginagawa natin sa first four games,” saad ni Tan.
“At least nag step up yung players natin to get that fifth win. Kumbaga yung run that was done ng team ay masisira lang ng isang rookie player. So na-challenge siguro sila sa ganun and na-realize ng mga players na masasayang nga yung 4-0 start nila.” dagdag pa niya.
The scores:
Northport (108) -- Jack 32, Munzon 30, Tolentino 21, Nelle 13, Yu 6, Navarro 4, Onwubere 2, Flores 0, Tratter 0, Bulanadi 0, Cuntapay 0, Miranda 0.
Converge (101) -- Heading 30, Stockton 16, Winston 15, Diallo 13, Arana 8, Racal 7, Baltazar 5, Santos 4, Andrade 3, Delos Santos 0, Nieto 0, Javillonar 0, Caralipio 0.
Quarter Scores: 24-33; 54-57; 75-76; 108-101.