Patuloy na lalaban para sa pangarap - Catantan
Hindi man pinalad na makasungkit ng medalya sa Paris Olympics, maituturing na isang tagumpay para kay Pinay fencer na si Sam Catantan ang siya ay makapagtapos ng kolehiyo sa kursong Accountancy.
Ibinahagi ni Cantantan na nakapagtapos na siya ng kolehiyo sa kursong Accountancy sa Pennsylvania University.
Ang pagsali ni Catantan sa Olympics ay bunga ng kanyang pinaghirapan matapos kalabanin at talunin si Mariana Pistoia ng Brazil at maging kwalipikado sa Paris Olympics.
Hindi makapaniwala si Catantan sa mga nangyari ngayon sa buhay niya ang naging posible ang lahat sa kanya at naging proud siya sa kanyang sarili dahil sa achievement na kanyang nakamit.
“Forever proud Pinay, forever an Olympian. Hindi pa rin ako makapaniwala kung paano ito naging posible sa hindi inaasahang pagkakataon. Ito ay isang karanasang hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko,” ani Catantan
Sinabi pa ni Catantan na malayo pa ang kanyang lalakbayin at malayo pa ang kaniyang mararating, patuloy aniya siyang lalaban para sa pangarap.
“Malayo pa ang paglalakbay na ito, ngunit malayo na ang ating narating. Patuloy na lalaban para sa pangarap,” dagdag pa ni Catantan.