PBA: Gin Kings inilampaso ang Terrafirma Dyip

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nakabalik ang Barangay Ginebra sa winning track matapos na talunin ang Terrafirma Dyip, 114-98, sa nagpapatuloy ng PBA Season 49 Commissioner's’ Cup na isinagawa sa Ninoy Aquino Stadium nitong Miyerkules ng gabi, December 18.

Pinangunahan ni Justin Brownlee ang panalo ng Ginebra matapos kumamada ng 49 puntos, habang nag-ambag si RJ Abarrientos ng 18 puntos, anim na assists at dalawang steals, at may 17 puntos at limang rebounds naman si Troy Rosario.

“We just wanted to bounce back and have a better outing. Tonight, I just found myself open a lot, so I just took advantage of that,” saad ni Brownlee.

Dahil dito nakuha ng Ginebra ang 3-1 win-loss standing habang si Terrafirma ay nanatiling walang panalo sa nakaraan nitong anim na laro.

Naging malaking hamon sa Gin Kings ang panalo nito dahil hindi nakapaglaro sina Japeth Aguilar at Stephen Holt, na parehong nasaktan noong Linggo nang makaharap ang Hong Kong Eastern.

“We haven’t been able to assess as deeply as we want to assess, but neither of them were really to play tonight,” sabi ni Ginebra head coach Tim Cone.

“It was a good win for us because we are missing two starters, two really important starters that have been contributing big time for us in Japeth and Stephen. There was a little bit of anxiety coming into this basketball game, wondering if we can match-up,” dagdag pa ng multi-titled mentor.

Ang import ng Terrafirma na si Brandon Edwards ay nagtala ng 27 puntos at 12 rebounds, habang nag-ambag ng 19 na puntos si Vic Manuel para pangunahan ang Dyip.

Samantala, may 11 points, siyam na rebounds, at tatlong steals si Stanley Pringle na unang beses nakaharap ang kanyang dating koponan.

The Scores:

Ginebra 114 - Brownlee 49, Abarrientos 18, Rosario 17, Thompson 8, Adamos 7, Pessumal 6, Mariano 5, Ahanmisi 4, Cu 0, Tenorio 0, Pinto 0.

Terrafirma 98 - Edwards 27, Manuel 19, Pringle 11, Hernandez 10, Ferrer 9, Paraiso 8, Ramos 5, Melecio 5, Sangalang 2, Catapusan 2, Olivario 0, Hanapi 0.

Quarter Scores: 26-20, 52-43, 85-69, 114-98.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more