PBA: Beermen, tangka ang ikalawang sunod na panalo
Hangarin ng San Miguel Beermen na makuha ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pamumuno ng nagbabalik head coach na si Leo Austria.
Matatandaang muling nanalo ng San Miguel sa kanilang huling laro sa pagbabalik ni Austria sa coaching at pagdating ng bagong import na si Torren Jones laban sa Terrafirma Dyip, 106-88.
Ang multi-titled na mentor ang muling tinawag para pangunahan ang Beermen dahil sa dalawang sunod na talo laban sa NLEX (99-104) at Rain or Shine (107-93), pagkatapos ng come-from-behind opening win nila laban sa Phoenix, 107-93.
Si Austria na nine-time PBA champion ay na-assigned sa pagiging consultant noong January 2023 at tinalaga naman bilang head coach si Jorge Gallent, na siya namang consultant sa kasalukuyan.
Makakaharap ng Beermen ang Blackwater Bossing na naghahanap din ng ikalawang sunod na panalo, mamayang alas-singko ng hapon sa Ynares Center, Antipolo.