NCAA: San Beda nakalusot ng panalo vs. Perpetual Help System

Rico Lucero
photo courtesy: NCAA/gmanews

Nalusutan ng defending champions San Beda University (SBU) Red Lions ang mahigpit na depensa ng University of Perpetual Help System DALTA (UPHSD), nitong Sabado, sa NCAA Season 100 seniors basketball tournament na ginanap sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City, 63-62.

 Ang back-to-back wins ng Red Lions ang nagbigay sa kanila ng 5-3 record, habang nahulog naman ang Altas sa 4-5 standing  kasama ang three-game losing skid.

Matatandaang una nang natalo ang San Beda sa Emilio Aguinaldo College (3-5) at Arellano University (3-6) bago magwagi sa Letran College (5-3).

Ayon kay San Beda coach Yuri Escueta, pinagana ng kanyang mga manlalaro ang kanilang depensa at naka-focused aniya sila sa laro na siyang itinuturing na naging dahilan ng kanilang panalo. 

“Let’s just focus on the present, which is the Perpetual game and let’s try to be the aggressors today and I think our defense was able to hold up,” ani Escueta.

Lumamang ang San Beda ng 11 puntos sa fourth quarter, 60-49, matapos isalpak ang dalawang free throws ni Puno, may 8:42 minuto pa sa orasan.

Pagkatapos noon ay nagkumahog na ang Red Lions sa kanilang opensa, umiskor lamang sila ng tatlo sa loob ng walong minuto, tumikda si Cedrick Abis ng tres para pangunahan ang 13-3 run ng Altas kaya naibaba nila sa isang puntos ang hinahabol, 62-63, may 45 segundo na lang.

Ang dalawang mintis na three-point shots nina rookie guard Mark Gojo Cruz at big man JP Boral ng Perpetual ang sumelyo sa panalo ng San Beda.

Umiskor si Puno ng 16 points para sa Red Lions, habang pinangunahan naman ni Abis ang Altas sa kanyang 14 points at humakot si Orgo ng 10 markers, 10 assists at 9 rebounds.

The Scores: 

San Beda 63 – Puno 16, Andrada 11, Calimag 10, Gonzales 6, Sajonia 6, Estacio 6, Songcuya 4, Royo 3, Celzo 1, Payosing 0, Tagle 0, Lina 0, Bonzalida 0.

Perpetual 62 – Abis 14, Orgo 10, Gojo Cruz 10, Pagaran 8, Boral 6, Nuñez 4, Gelsano 3, Montemayor 3, Manuel 2, Cauguiran 2, Pizarro 0.

Quarters: 13-13, 33-35, 56-48, 63-62.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more