PBA: 4-point shot ni Hopson, susi sa panalo ng Converge

Jet Hilario
photo courtesy: PBA

Nang dahil sa 4-point shot ni Scotty Hopson, nakuha ng Converge ang kanilang panalo sa score na 96-95  sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya sa PBA Governors’ Cup. 

Si Hopson ang unang nakagawa ng four-point shot game winner sa kasaysayang ng liga.

Naipasok ni Hopson ang nasabing 4-point shot sa natitirang 4.8 segundo ng huling quarter ng laro.

Nakipagsabayan si Hopson kay Hollis-Jefferson sa point-for-point shot nang ang parehong import ay nagtapos na may tig-32 puntos. Si Hopson ay nagtala 10-of-23 mula sa field at 10-of-24 naman kay Hollis-Jefferson/

Hawak ng TNT ang kalamangan sa score na 95-92 matapos na maipasok ni Rondae Hollis- Jefferson ang huling apat na free throws sa natitirang 9.6 segundo.

Sinubukan pa ni Hollis-Jefferson na baligtarin ang kinalabasan ng huling laro ng TNT, ngunit ang kanyang pagmamaneho sa basket ay nabigong tumama sa marka, na siya namang nagbigay sa FiberXers ng panalo.

Dito na nagpasya si FiberXers coach Franco Atienza na gamitin ang 4-point shot sa huling possession.

Nakakuha naman ng sapat na lugar si Hopson matapos ang screen ni Bryan Santos laban kay Glenn Khobuntin para maitala ang makasaysayang game-winning shot.

Sa huli, nagtala  si Hopson ng kabuuang 32 points, 10 rebounds, habang mayroong 14 points, pitong rebounds, dalawang assists at dalawang steals si Schonny Winston at 13 points at pitong rebounds naman ang naitala ni Justin Arana.

Nasayang naman ang nagawang 32 points, 15 rebounds, anim na assists, dalawang steals at dalawang blocks ni Rondae Hollis-Jefferson at 22 points, 10 rebounds ni Calvin Oftana ng TNT.