‘Sipag at tiyaga’, susi sa mga panalo ng Rain or Shine - coach Yeng Guiao
Masipag at determinasyon maglaro at manalo - ilan sa mga katangian na itinanim sa puso at isip ni coach Yeng Guiao sa kanyang mga bataan sa Rain or Shine Elasto Painters.
Wala ring paboritong player si coach Guiao basta ang gusto nitong makita ay masipag sa ensayo at naglalarong mabuti para sa koponan ng RoS.
“Wala akong paborito. Ang paborito ko kung sino ang pinaka masipag at sinong gusto manalo na ipinapakita nila sa loob ng court.” banggit ni Guiao.
Ayon kay coach Yeng, isa sa mga susi ng kanilang panalo nitong mga nakaraan ay ang sipag at tiyaga na ipinamamalas ng koponan kapag ang mga ito ay naglalaro. Isa rin sa mga factor nito ay ang ganda ng team chemistry sa pagitan ng kanilang import, local unit at rookies.
“Una, swerte lang kami, ang ganda ng four point shooting nila, betranong beterano, alam mo naman ang experience nila sa playoffs solid na solid…” Nagpakita lang kami ng greater desire to win the game.” saad ni Guiao.
Bagaman, inamin ni Guiao na isa sa mga disadvantage nila sa koponan ay ang pagkakaroon ng mga mas batang players, tiniyak nito na hindi hadlang ang pagiging bata sa edad para makipag kompetensya sa mga beteranong players at sa ibang koponan na nakakaharap nila.
“Yun ang disadvantage namin actually, on this playoffs experience kasi mga bata itong players namin pero sa sipag at ah.. Sabi ko nga dapat magpakita kami ng toughness. “ sabi pa ni Guiao.
Layunin ng Rain or Shine na maipasa ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap ngayon sa quarterfinals para magkaroon ng katiyakan na mapapasakamay nila ang slot sa finals at ang championship. Tutok din si Guiao sa pagpapalakas at pag-eensayo ng kanyang team para sa mga darating pang laban.
“Ah hindi pa, sobrang layo pa. Isang test pa lang ang naipasa namin at marami pang test ang kailangan naming ipasa. Sambit pa ni Guiao.
Masaya si coach Yeng sa teamwork at team effort na nakikita niya sa kanyang koponan kaya naman patuloy niya itong minamahal at inaalagaan at itinuturing na kanyang mga anak.