Billiards: Derby City Classic Open Tournament, sasarguhin ni Bautista

Rico Lucero
photo courtesy: Marlon Bernardino

Tuloy-tuloy ang ginagawang paghahanda ng Pinoy cue artist na si Rodlin John “RJ” Bautista na nakatakdang sumargo sa Derby City Classic Open Tournament na isasagawa sa Enero 17 hanggang 26, 2025 sa Caesars Southern Indiana Casino and Hotel sa Elizabeth, Indiana, USA.

Ayon kay Bautista, susubukan niya ang kanyang kapalaran sa nasabing torneo kung saan makakaharap nito ang mga mahuhusay na manlalaro ng bilyar sa buong mundo. 

“I am so thrilled to announce that I will join the Derby City Classic Open Tournament in the USA to try my luck and test my skills playing with the best players in the world. I will pour all that I know in the cue sports,” saad ni Bautista.

Ang naturang torneo ay nagtatampok ng 9-Ball, Bank Pool, One Pocket at BigFoot 10-Ball Challenge. Ang 29-anyos na si Bautista ay nag back-to-back Most Valuable Player (MVP) award noong 2011 at 2012 sa B League, isang Collegiate Billiards League.

Sa taong ito ipinakita ni Bautista ang kaniyang aksyon sa 2024 Joy Heyball Masters (Chinese 8- ball) Grand Finals noong Marso sa Beijing, China at sa 2024 Hanoi Open 9-ball Pool Championship nitong Oktubre sa Hanoi, Vietnam.

Naging quarterfinalist din ang 29 anyos na cue artist noon sa 2017 World University Olympic Games 9-Ball Pool Championship sa Taipei, Taiwan ay naglalayon na sundan ang yapak ng kanyang idolo na si Efren “Bata” Reyes, na nanalo sa 1999 WPA World 9-Ball Championship noong Cardiff, Wales at ang 2004 WPA World 8-Ball Championship sa Fujairah, United Arab Emirates.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more