PBA: Converge, nakakuhang muli ng panalo vs. Fuel Masters

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nakuha ng Converge FiberXers ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra Phoenix Fuel Masters sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup, 116-105, nitong Huwebes ng gabi, December 19, sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila. 

Hindi inakala ng FiberXers na makukuha pa nila ang panalo dahil sa hawak na ng Phoenix ang kalamangan sa first at second quarter ng laro, subalit hindi nagpakita ng pagkabalisa ang koponan ni coach Franco Atienza, manapa’y pinapagbuti pa nila ang higpit ng opensa at depensa sa kalaban. 

"We just stuck on. We didn't panic. We returned on how we run our system, run our offense and defense. It's nice because we have six players in double digits. They were also efficient in passing and on keeping their possession. We have 19 assists, and just 11 turnovers," ani Atienza. 

Pinangunahan ni Jordan Heading at ni Cheick Diallo ang laro kung saan nakakolekta ang mga ito ng tig-21 points, kasunod naman ang tig-16 points nina Schonny Winston at Bryan Santos, habang nag-ambag din si Alec Stockton ng 14 points. 

Samantala, nagulat naman si coach Atienza sa ipinakitang laro ng Phoenix kung saan pinaghandaan umano nito ang kanilang laban kontra Converge. 

“They came out really pre­pared. They caught us un­aware, surprised. Credit to their staff. It’s something new that they threw our way,” dagdag ni coach Atienza. 

Nasayang naman ang nagawang 30 points at 18 rebounds ni Donovan Smith, habang mayroong 20 si RJ Jazul para sa Phoenix.

Sa December 21, haharapin ng Converge ang Barangay Ginebra sa Batangas City Coliseum, habang ang Fuel Masters naman ay susubukang kumuha ng panalo laban sa wala pang panalong Terrafirma Dyip sa January 7, 2025 sa Philsports arena. 

The scores:

Converge 116 – Heading 21, Diallo 21, Winston 16, Santos 16, Stockton 14, Andrade 11, Arana 6, Baltazar 6, Racal 5, Delos Santos 0, Caralipio 0.

Phoenix 105 – Smith 30, Jazul 20, Tio 13, Perkins 12, Rivero 11, Tuffin 8, Verano 4, Garcia 3, Soyud 2, Manganti 2, Salado 0, Alejandro 0, Muyang 0, Ular 0, Daves 0.

Quarter Scores: 15-30; 48-54; 87-80; 116-105.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more