UAAP: Kevin Quiambao, maglalaro sa Korean Basketball League
Pagkatapos bigong masungkit ng Green Archers ang kanilang minimithing kampeonato sa UAAP Season 87 Men’s Basketball, lilisanin na ni Kevin Quiambao ang kaniyang koponan.
Ito mismo ang kinumpirma ng power forward ng De La Salle matapos na pumirma ng kontrata para sa Goyang Sono Skygunners at maglaro sa Korean Basketball League (KBL).
Sa kanyang post sa social media, sinabi nito na itutuloy niya ang kanyang plano na makapaglaro sa NBA.
“With that being said, my college career comes to an end. I will pursue my NBA dream and start my journey by playing professional ball in Goyang Sono Skygunners and developing my game even more,” sabi sa post ni Quiambao.
Nagpasalamat din ito sa mga sumuporta at nagtiwala sa kanyang kakayahang dalhin ang koponan kahit pa hindi nito nakuha ang kampeonato ngayong Season 87 ng UAAP at nalimitahan lamang sa 13 points ang nagawa nito sa Game 3 .
“To the Lasallian Community, OSD, thank you for three wonderful seasons, a lot of sweat, tears, and sacrifices. Thank you for making me a great student-athlete,” ayon kay Quiambao, na bayani ng La Salle sa Finals Game 2 comeback para makahirit ng do-or-die Game 3 para lamang kapusin sa Peyups sa sudden-death match,” paghahayag ni Quiambao.
“I can’t thank you enough for unwavering support. Thank you for believing in me and pushing me to reach my potential. I am so grateful and blessed to have you guys,” pagtatapos ng two-time MVP.
Matatandaang nakuha ni Quiambao ang Season 86 at Season 87 Most Valuable Player plum at isang kampeonato noong nakaraang taon.