EASL: Ismael Romero, bagong import ng Suwon KT
May bago nang import na ilalaban ang Suwon KT ngayong EASL season.
Siya si Ismael Romero na magiging kapalit ni Jordan Morgan dahil sa hamstring injury na natamosa Korean Basketball League noong maglaro ito noong Oktubre.
Pumirma si Ismael Romero sa Suwon KT, subalit hindi pa ito nakakapaglaro para sa Sonic Boom mula nang sumali sa koponan, at ngayon ay inaasahang tatapusin na ng KT ang 2024-25 season kasama sina Romero kabilang na si Rayshaun Hammonds na isang 6-foot-9 forward na nakuha sa simula ng taon. Si Hammonds ay nag-aaverage ng 22.8 points at 10.5 rebounds sa EASL play.
Si Romero ay mula sa bansang Cuba at naging naturalized citizen ito ng Puerto Rico noong 2021, at nitong katatapos na Paris Olympic ay naglaro ito sa ilalim ng bandila ng Puerto Rico, kung saan umiskor ito ng 12 puntos matapos na matalo sila ng Estados Unidos.
Sa buong karera ni Romero, naglaro ito para sa bansang Puerto Rico at Mexico mula nang hindi ito na-draft noong 2013 NBA Draft. Dalawang beses din itong nag kampeon sa BSN (Puerto Rico) noong 2020 at 2022. At noong 2015-16 season, ang 6-foot-9 center ay naglaro din sa Grand Rapids Gold ng NBA G League, isang affiliate organization ng Denver Nuggets.
Bagaman hawak na ng KT Swon si Romero, inaasahang magpapakitang gilas ito sa EASL sa susunod na laro ng Sonic Boom sa January 7, 2025 kung saan makakaharap nila ang Hong Kong Eastern.