PBA: Hong Kong Eastern, nasungkit ang panalo vs. Barangay Ginebra

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Nalusutan ng Hong Kong Eastern ang higpit ng depensa at opensa ng Barangay Ginebra matapos makuha ang halos dikit na panalo nito sa PBA Season 49 Commissioner's Cup nitong Linggo ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.

Nakatulong ang ginawang clutch free throws ni Hayden Blankley na nagbigay-daan sa kanila para makatakas sa pagkatalo at masungkit naman ang manipis na panalo. 

Nanguna si Blankley sa Eastern na may 25 puntos, habang si Christopher McLaughlin ay may napakalaking 20-points 21-rebound performance, at meron din anim na assists at dalawang blocks.

Bago matapos ang fourth quarter, sinagip na ni Blankley ang koponan sa pamamagitan ng ginawa rin nitong layup para makuha ang 91-86 na iskor, subalit mabilis naman itong ginantihan ng Gin Kings matapos ang apat na free throws hanggang makuha na nito ang 91-90 na score sa oras na apat na segundo. 

Dahil sa panalo ng Eastern ay mayroon na itong 5-1 win-loss record.

Ayon kay Hong Kong Eastern head coach Mensur Bajramovic, malaking bagay na para sa kanila ang makuha ang panalo kontra Ginebra at masaya ito sa naging resulta ng kanilang laro dahil nagtiwala sila sa kanilang plano na inihanda para sa Gin Kings. 

“We made a plan knowing that Ginebra is a good team. They have individual players and they have a good style offensively and defensively. We tried in the past few days to make a plan on how to play against them. I’m happy the players believed and trust in the plan,” ani Bajramovic.

Sa panig naman ng Gin Kings, pinangunahan ni Japeth Aguilar ang Ginebra na may 26 puntos sa isang mahusay na 9-of-13 clip, ngunit siya ay umiikang bumalik sa bench bago ang huling buzzer. Napigilan din ang Eastern si Justin Brownlee, gumawa lamang ng anim sa kanyang 23 field goals para sa 18 puntos kasama ang 12 rebounds.

Sa Biyernes, December 20, susubukan ng Eastern na putulin ang four straight wins ng Northport, habang ang Barangay Ginebra naman ay dadayo sa Batangas City Coliseum para labanan ang Converge Fiberxers sa Sabado December 21. 

The scores:

Eastern 93 - Blankley 25, McLaughlin 20, Cao 14, Yang 11, Lam 8, Chan 6, Guinchard 5, Leung 3, Xu 1, Zhu 0.

Barangay Ginebra 90 - J. Aguilar 26, Brownlee 18, Holt 14, Abarrientos 12, Rosario 12, Thompson 8, Cu 0, Adamos 0, Ahanmisi 0.

Quarter Scores: 26-25, 54-44, 73-67, 93-90.

Pedro Taduran, dedepensahan ang kaniyang titulong IBF vs. Ginjiro Shigeoka

Pedro TaduranGinjiro ShigeokaPhilippine BoxingJapaneseBoxingBoxing
2
Read more

Philippine Sports Commission, mas pagagandahin pa ang Batang Pinoy

RichardBachmannAbrahamTolentinoTeamPhilippinesSwimmingarcheryathleticsBadmintonBasketball
9
Read more

Masters Pinoy Pilipinas Basketball team dumating na sa Taiwan

RendellDelaReaOliverAgapitoRogerYapGheromeEjercitoMastersPinoyPilipinasBasketballBasketball
9
Read more

Mga delegado ng Palarong Pambansa biyaheng Ilocos Norte na

NationalCapitalRegionCalabarzonMimaropaPhilippineTeamSwimmingBasketballVolleyball
15
Read more

Larga Pilipinas, balik-arangkada sa darating na Agosto

LargaPilipinasPhilippineCyclistCycling
9
Read more

Player Profile Series: The Filipino Pool Veteran, Ramil Gallego

RamilGallegoPhilippineBilliardsBilliards
2
Read more

Kampo ni Suarez, umapela sa California State Athletic Commission

CharlySuarezPhilippineBoxingWorldBoxingOrganizationInternationalBoxingFederationBoxing
5
Read more

Player Profile Series: Warren Kiamco – Philippine Billiards Pride

WarrenKiamcoPhilippineBilliardsBilliards
4
Read more

Player Profile Series: Jose Parica, known as “The Giant Killer”

JoseParicaPhilippineBilliardsBilliards
8
Read more

Alex Eala at Coco Gauff, pasok sa Quarterfinals ng Italian Open

AlexEalaCocoGauffPhilippineTennisLawnTennis
4
Read more

Elreen Ando wagi ng tatlong silver medals sa torneo sa China

ErleenAndoAsianWeightliftingFederationSamahangWeightliftingngPilipinasWeightlifting
5
Read more

Player Profile Series: Chezka Centeno – The Rising Billiards Star

ChezkaCentenoPhilippineBilliardsBilliards
5
Read more

Player Profile Series: Billiards' "Lion Heart" Alex Pagulayan

AlexPagulayanPhilippinesBilliards
5
Read more

Player Profile Series: The iconic Francisco "Django" Bustamante

FranciscoBustamantePhilippinesBilliards
3
Read more