PBA: Rain or Shine, nasungkit ang ikatlong sunod na panalo
Nasungkit ng Rain or Shine ang kanilang tatlong sunod na panalo matapos talunin ang Magnolia Hotshots, 102-100, sa PBA Season 49 Commissioner’s Cup nitong Miyerkules ng gabi, December 18, sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.
Dahil dito, nakuha rin ng Elasto Painters ang 3-1 win-loss sa team standings, habang nalasap naman ang Hotshots sa kanilang ikaapat na sunod na pagkatalo matapos maipanalo ang kanilang unang laro.
Nanguna sa panalo ng E-Painters si import Deon Thompson na nagtala ng 18 puntos, 15 rebounds, tatlong blocks at tatlong steals, habang nag-ambag naman si Santi Santillan 17 puntos at si Andrei Caracut ng 15 puntos, tatlong assists at dalawang rebounds.
“For most of the first half and third quarter, we had the game under control actually. It’s just that the momentum we had lost towards the end of the third quarter went to them,” ani coach Yeng Guiao.
Ang tinutukoy dito ni Guiao ay ang 13-point lead na kanilang binuo, 79-66, sa 3:56 ng third period na pinasabog ng Magnolia para makuha ang 98-86 na kalamangan sa fourth quarter. Ngunit ang Elasto Painters ay nakuha ang 12-2 run para mabawi sa 102-100 ang kanilang lamang habang may 3:26 minuto pang natitira sa game clock.
“Ang maganda dito, ang ganda nung pagbalik namin. Nabawi namin. Karaniwan. if you were our old team, pag nag-collapse ka ng ganyan, hindi na kami makakabalik,” ani Guiao.
Nakuha ng import ng Hotshots na si Ricardo Ratliffe ang kanyang pang-anim at huling foul sa nalalabing 2:46 at hindi na muling nakaiskor ang koponan ni coach Chito Victolero.
Napilitan si Paul Lee na ipasa ang bola kay Jerom Lastimosa na sumablay sa four-point shot attempt sa final buzzer. Samantala, nasayang ang 27 puntos ni Ratliffe, habang may 21 puntos si Ian Sangalang at 18 naman si Mark Barroca.
Susunod na makakalaban ng Magnolia ang NLEX Road Warriors sa Biyernes, December 20, sa PhilSports Arena sa Pasig City, habang ang Elasto Painters ay muling susubukan na makakuha ng isa pang panalo laban sa wala pang panalong Terrafirma Dyip sa Linggo, December 22, sa kaparehong venue.
The Scores:
RAIN OR SHINE 102 - Thompson 18, Santillan 17, Caracut 15, Tiongson 11, Nocum 10, Belga 7, Calrito 6, Datu 6, Lemetti 5, Malonzo 4, Asistio 2, Ildefonso 1.
MAGNOLIA 100 - Ratliffe 27, Sangalang 21, Barroca 18, Lucero 11, Abueva 8, Lee 4, Dionisio 4, Ahanmisi 4, Dela Rosa 2, Lastimosa 1, Laput 0.
Quarter Scores : 31-23, 50-47, 81-78, 102-100.