PBA: Blackwater Bossing, nakatikim ng unang panalo vs. Meralco Bolts

Rico Lucero
Photo Courtesy: PBA

Nakuha ng Blackwater Bossing ang kanilang unang panalo kontra Meralco Bolts, 114-98, sa pagpapatuloy PBA Season 49 Commissioner’s Cup nitong Huwebes ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium.

Una namang nakalasap ng pagakatalo ang Meralco kahit pa hawak pa nito ang mga kalamangan sa unang tatlong quarters. 

Subalit pagpasok ng ikaapat na quarter ay dito na nagpakawala ng sunod-sunod na puntos ang Blackwater na nagresulta ng kanilang panalo. 

Nanguna sa panalo ng Bossing si Sedrick Barefield na nagtala ng 33 points at siyam na rebounds, habang mayroong 32 points at 14 rebounds si George King.

“It’s a good win for us. We didn’t start the conference how we wanted, but coach told me this morning ‘don’t let the past linger. He told me he has confidence in me. I took that to heart and got me prepared for the day,” sabi ni Barefield.

Mayroong ng isang panalo at tatlong talo ang Bossing habang ang Bolts ay mayroong tatlong panalo at isang talo.

Samantala, nasayang naman 22 puntos ni Chris Newsome at ang 19 ni Bong Quinto na nara sa Bolts, gayundin ang double-double na 13 points at 10 rebounds mula kay Cliff Hodge.

Magkakaroon ng pagkakataon ang Meralco na makabangon sa December 25 laban sa Converge FiberXers, habang ang Blackwater naman ay muling kukuha ng ikaanim na panalo nito laban sa San Miguel Beermen sa Linggo, Disyembre 15.

 

Ang mga Iskor:

BLACKWATER 114 – Barefield 33, King 32, David 17, Kwekuteye 10, Ilagan 6, Suerte 6, Casio 4, Chua 4, Montalbo 2, Jopia 0, Escoto 0, Hill 0, Guinto 0.

MERALCO 98 – Newsome 22, Quinto 19, Hodge 13, Black 12, Jose 8, Reyson 7, Rios 5, Torres 5, Caram 4, Pasaol 3, Pascual 0.

QUARTERS : 28-21, 48-49, 83-79, 114-98.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more