Weightlifting, opisyal ng ibinalik sa Palarong Pambansa

HidilynDiaz WeightliftingPH PalarongPambansa Weightlifting
Rico Lucero

Pagkatapos ng mahigit labing limang taon, muling ibinalik ang weightlifting sa Palarong Pambansa.

Nagbunga rin ang mga sakripisyo at pagpapakapagod ng mga opisyal ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas para maibalik at mapasama muli ang naturang sport. 

Isasagawa sa May 24 to June 2 sa Ferdinand E. Marcos Memorial Stadium, Laoag City Ilocos Norte ang 65th Palarong Pambansa sa taong ito. 

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, na naging maganda ang resulta ng kanilang pakikipag-usap ng mahigit 15 taon para maisama ang weightlifting sa Palarong Pambansa, sa pakikipagtulungan na rin ni 2020 Tokyo Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz. 

Pinasalamatan din ni Puentevella si Deped Secretary Sonny Angara, at umaasa din ito na maging ang ibang sangay ng mga lokal na pamahalaan kasama na ang CHED at UAAP ay matutulungan umano sila para makapag-produce pa ng mga future Olympiad at atletang mag-uuwi rin ng karangalan sa bansa. 

“About time. After 15 years of personal campaigning, and Hidilyn’s help too, we finally see the light. Thanks to my basketball teammate, DepEd Secretary Sonny Angara for making this possible. If the LGUs (local government units) can help buy the equipment, SWP promises you more medals in the Olympics. Just wait and see! Hope CHED and UAAP can help us too,” ani Puentevella. 

Labis namang ikinatuwa ni Diaz ang pagkakasali ng weightlifting sa Palarong Pambansa bilang isa munang demonstration sport sa gaganaping torneyo sa Mayo. 

“The technical working group and I are doing our best, working hard on this, and hoping it will soon become a regular sport,” ani Diaz. 

“It started as a dream, and finally, weightlifting is included as a demonstration sport in the Palarong Pambansa. I have long hoped for my sport to be part of the biggest national sporting event for student-athletes in the Philippines. Now, it’s finally happening.,” dagdag pa ni Diaz. 

Magugunitang dekada 80 nang mawala ang weightlifting sa calendar of events ng Palarong Pambansa dahil sa mga kontrobersyang kinaharap ng sport na ito. Hindi na rin ito naging parte ng taunang grassroots sports program ng pamahalaan. Sa ngayon ay umaasa si Diaz na sa pamamagitan ng Palarong Pambansa ay mas lalo nang lalawak ang interes ng mga Pilipino sa ganitong sports  na isa sa posibleng pagkunan ng gintong medalya ng Pilipinas sa mga darating na international competitions gaya ng Olympic Games, Asian Games at Southeast Asian Games.

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
5
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
8
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
5
Read more

PSC dinagdagan ng 5k ang allowance ng National Athletes at Coaches

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionPOCNationalAthletesGrassroots
5
Read more

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
21
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
5
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
5
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
8
Read more