WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

Dedma si WBC welterweight champion Mario Barrios sa husay at galing ni dating eight-division world champion na si Manny “PacMan” Pacquiao para sa nalalapit nilang sagupaan sa July 19 sa Las Vegas Nevada.
Ayon kay Barrios, kaya umano nitong tapatan ang mabilis at matinik na teknik ng “Pambansang Kamao” sa ibabaw ng boxing ring sa pamamagitan ng diskarteng ipapakita nito sa mismong araw ng kanilang laban.
“I think I need to go in there and be myself. Need to neutralize what he tries to do and I need to make him feel his age. He’s got the fastest hands and feet in the sport but you know timing always beats speed and I feel like I always have great timing and great boxing ability,” ani Barrios.
Kumpiyansa din si Barrios na madedepensahan nito ang kanyang titulo laban sa pambato ng Pilipinas, kung kaya naman hindi ito nagpapaawat sa matinding pag-eensayo sa ilalim ng kanyang head trainer na si Bob Santos, at maituturing na halos lahat ng bentahe ay nasa kanya na, pagdating sa tangkad, reach advantage, at edad.
Hindi rin takot si Barrios kay Pacquiao at tiniyak nito sa kanyang sarili na maiuuwi pa rin niya ang kanyang titulo.
“They’re going to be in for a rude awakening on fight night. Only prediction I have is me going back to San Antonio still holding that title. Manny’s still Manny. He’s a legend for a reason. I am preparing as if I am fighting Manny in his prime,” dagdag pa ni Barrios.
