Unang gintong medalya sa weightlifting nasungkit ng pamangkin ni Hidilyn Diaz

Nasungkit ni Matthew Diaz ang unang gintong medalya sa demonstration event ng weightlifting sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025 na isinasagawa sa Laoag sa Ilocos Norte.
Si Diaz, ay pamangkin ng kauna-unahang Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Hidilyn Diaz, siya ay nagpakitang-gilas sa secondary boys’ 48kg division matapos magbuhat ng 73kg sa snatch at 93kg sa clean and jerk.
Si Diaz ay kabilang sa kiinatawan ng Region IV-A, Calabarzon n may 70 atleta na lumahok sa demonstration event ng weightlifting.
Matatandaang una nang binanggit ni Hidilyn Diaz na, ang pagsali ng weightlifting sa Palarong Pambansa ay malaking hakbang upang matuklasan ang mga bagong atletang maaaring maging susunod na Olympians ng bansa.
“Sa tingin ko naman, most relevant itong pag-include ng weightlifting sa Palaro dahil ang main purpose talaga ng International Weightlifting Federation is to propagate the sports all over the world, and also dito sa Pilipinas,” ani Diaz
Samantala, nakuha naman ni Generosmel Cortez mula sa Region IX ang silver medal, habang si Rayney Joy Espina ng National Capital Region (NCR) ay nag-uwi ng bronze. Sila ang bumuo ng unang podium finishers sa kasaysayan ng weightlifting sa Palarong Pambansa sa taong ito.
