Tropang Giga, nakuha ang panalo vs. NLEX

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Isang panalo na lang ang kailangan ng TNT Tropang Giga para tuluyang makapasok sa semifinals ng PBA Season 49 Governors’ Cup. Ito ay matapos nilanng talunin ang NLEX, 109-91, sa Ynares Center sa Antipolo City.

Bumangon ang Tropang Giga mula sa 90-93 kabiguan noong nakaraang Game 2 para makuha ang 2-1 lead sa kanilang best-of-five showdown ng Road Warriors.

Ayon kay TNT coach Chot Reyes, malaking tulong sa kanila ang pagkakaroon ng kombinasyon ng opensiba at depensa kung saan nalimitahan nila ang efficiency ni NLEX import DeQuan Jones at top gunner Robert Bolick. 

“Any team in this league to win by a big margin has to be a combination of good defense with good offense. Finally, tonight we were able to get both together,” ani Reyes. 

Ang mga pinakawalang tira ni Jayson Castro ang nagbigay sa Tropang Giga ng 32-21 na abante sa pagtatapos ng first period bago makuha ang 15-point lead, sa score na 49-34, na may 4:48 na natitira sa second quarter.

Mula sa 49-40 bentahe, ibinaon na ng TNT ang Road Warriors sa 61-40 sa huling 1:18 minuto ng third period, hanggang sa naitala na ng TNT ang 103-78 kalamangan sa huling 5:54 minuto sa mga huling oras ng laro at hindi na ito nahabol pa ng NLEX. 

Bumida sa panalo ng TNT si import Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 27 points at 12 rebounds habang mayroong tig-17 points sina Glenn Khobuntin at Rey Nambatac.

Nasayang naman ang nagawang 17 points ni Robbie Herndon para sa Road Warriors habang nalimitahan naman sa 16 points at 10 rebounds ang kanilang import na si DeQuan Jones.

The Scores: 

TNT 109 – Hollis-Jefferson 27, Oftana 18, Nambatac 17, Khobuntin 17, Williams 11, Pogoy 8, Castro 6, Erram 4, Aurin 1, Heruela 0, Ebona 0, Payawal 0, Galinato 0.

NLEX 91 – Herndon 17, Jones 16, Bolick 12, Policarpio 11, Anthony 9, Valdez 6, Torres 5, Mocon 4, Semerad 3, Rodger 3, Amer 2, Nieto 2, Nermal 1, Miranda 0.

Quarters: 32-21 ; 51-40; 89-68; 109-91.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlasPilipinasBeachVolleyball
11
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
10
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more