TNT, gagayahin ang taktika sa Game 2
Gagayahin uli ng TNT Tropang Giga ang kanilang laro noong Game 1 kung saan natalo nila ang Rain or Shine Elasto Painters nitong Miyerkules sa Philisports Arena sa PBA Season 49 Governors’ Cup best-of-seven semifinal series, 90-81.
Gusto rin ng TNT na makuha ang 2-0 win standing mamayang gabi sa kanilang laro kontra RoS sa Smart Araneta Coliseum.
Ayon kay TNT coach Chot Reyes, ang paraan lang nila para manalo uli laban sa Rain or Shine ay ang kanilang depensa. Aniya, number one umano sila pagdating sa depensa kung kaya dapat nilang malimitahan ang mga gagawing puntos ng Elasto Painters.
“The only way we can win this series is through our defense. They’re the No. 2 team in scoring, No. 1 in field goal and fastbreak points and we’re No. 1 in defensive stops. So for us to win, we have to limit their production. “
“By in large, we were very happy with the pace of the game and how the game was going at halftime even when we were down four. All I said at halftime is we have them where we want them, so relax and go into the second half and execute what we practice," ani Reyes.
Kumpiyansa naman si Rain or Shine coach Yeng Guiao na makakabangon ang kanyang koponan mula sa pagkatalo sa Game 1 at makatabla sa semifinals.
Snabi pa ni Guiao na maganda pa rin ang kanyang pakiramdam dahil malaki ang tsansa ng Elasto Painters na manalo sa serye.
“I still feel good. We're in the fight, we're two possessions down until RHJ made a four-point shot," sabi ni Guiao.
“Actually, maganda iyong depensa namin e. Low percentage sila, low efficiency, I think they shot just 34% for their field goal percentage. Iyon ay talagang magandang depensa, ang problema ay pinaikot namin ang bola nang maraming beses," dagdag pa ni Guiao.