Spanish tennis star Rafael Nadal, magreretiro na pagkatapos ng Davis Cup FInals sa Nobyembre.
Magreretiro na ang tennis star player ng Spain na si Rafael Nadal sa susunod na buwan. Ito ay pagkatapos ng huling pagsali niya sa Davis Cup Finals ngayong Nobyembre.
Ayon kay Nadal, marami na aniya siyang naging karanasan sa tennis at lahat halos ng kanyang pangarap sa karera niyang ito ay natupad na.
“Really, everything I have experienced has been a dream come true. I leave with the absolute peace of mind of having given my best, of having made an effort in every way”
"I am retired from professional tennis. The reality is that it has been some difficult years, these last two especially. In this life, everything has a beginning and an end,” sabi ni Nadal.
Aminado rin si Nadal na naging mahirap para sa kanya ang desisyon ito na magretiro na sa tennis, subalit isa sa mga dahilan na rin nito ay ang pagkakaroon niya ng di mabilang na injury kung kaya hindi rin ito nakakasali sa ibang mga international competition.
“The reality is that it has been some difficult years, these last two especially. I don’t think I have been able to play without limitations. It is obviously a difficult decision, one that has taken me some time to make.”
“I think it is the appropriate time to put an end to a career that has been long and much more successful than I could have ever imagined.”
Bagaman magreretiro na sa tennis pero naroon pa rin ang excitement ni Nadal para sa kanyang huling laban sa Nobyembre, at ngayon pa lang ay nagpapasalamat na rin ito sa lahat ng mga sumuporta sa kaniya sa buong panahon ng kanyang karera sa tennis.
“I am very excited that my last tournament will be the final of the Davis Cup and representing my country. I think I’ve come full circle since one of my first great joys as a professional tennis player was the Davis Cup final in Seville in 2004.”
“I want to thank the entire tennis industry, all the people involved in this sport, my long-time colleagues, especially my great rivals. I have spent many hours with them and I have lived many moments that I will remember for the rest of my life.”
Isa dito ay pagkakasama nina Nadal at Carlos Alcaraz sa Davis Cup Finals ng men’s doubles sa susunod na buwan.
Matatandaang nanguna sa panalo noon si Nadal sa French Open, at apat na beses na nagkampeon sa US Open at dalawang beses na nagwagi sa Australian Open, at dalawang beses ding nanalo sa Wimbledon, noong 2008 at 2010.
Nakuha rin ni Nadal ang Golden Slam kung saan nakasungkit ito ng ginto sa Olympic Games noong 2008.
Naging five-time year-end world number one din si Nadal at hindi kailanman naalis sa Top 10 mula 2005 hanggang Marso noong 2023.