Pinay weightlifter nagkamit ng 2 bronze medals sa IWF World Championships sa Bahrain

Rico Lucero
courtesy: Rosegie Ramos/FB

Isa pang bronze medal ang maiuuwi ni Rosegie Ramos matapos makamit ang kabuuang pagbuhat nito ng barbel sa 88kgs sa snatch at 105kgs sa clean-and-jerk na may  total lift of 193kgs in the 49-kg category sa nagpapatuloy na IWF World Championships sa Bahrain.

Nakuha ni Ramos ang ikatlong pwesto matapos mangiibabaw si Ri Song Gum ng North Korea sa women’s 49-kg event matapos mabuhat ang kabuuang 213kgs sa likod ng snatch na 91kgs at clean-and-jerk na 122kgs.

Samantala, si Linxiang Xiang ay nakakuha ng silver medal matapos makapagbuhat sa snatch na 92kgs at clean-and-jerk na 120kgs para sa kabuuang pagtaas ng 212kgs.

Ang kanyang tagumpay ay sinundan ng isa pang bronze medal na naipanalo naman ni Fernando Agad Jr. 

Nagpahayag naman ng pasasalamat si Ramos sa pamamagitan ng kanyang social media account sa lahat ng sumuporta at naniwala sa kanyang kakayahan. 

“Sa totoo lang, hindi ko po alam saan magsisimula. Sobrang saya at sobrang priceless ‘yung nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam paano nangyari lahat, pati ako na-shock sa performance ko. Thank you, God! Alam mo Lord kung gaano ko ito ka-kailangan. At hindi mo ako binigo,” sabi niya sa post.

“Ang podium finishes na ito ay isang malaking paalala na kahit ano man ang pagsubok na pagdaanan natin sa buhay, laging anjan si God, ang ating pamilya, kasama ng mga totoo at tamang tao para tulungan tayong bumangon ulit,” dagdag pa ni Ramos.

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas president Monico Puentevella, nais umano sumabak ni Ramos sa L.A Olympics sa 2028, kung kaya naman nagsisikap itong mag-aral ng weightlifting dahil ito din umano ang kanyang plano tatlong taon mula ngayon. 

“She’s learning her lesson the hard way. In His Time, she’ll be going to the Los Angeles Olympics too in three more years,”  pahayag ni Puentevella.

“She has to train more and we have plans for her, too,” dagdag pa ni Puentevella

Samantala, ang two-time Olympian na si Elreen Ando ay lalahok naman sa women’s 64-kg event ngayong araw, December 11, kasama ang 2019 SEA Games’ gold medalist na si Kristel Macrohon sa women’s 71-kg category.

Gayundin, kakatawanin ni John Dexter Tabique ang bansa para sa men’s 89 kg competition.

Alas Pilipinas may dapat matutuhan sa mga pagkakamali - Suzara

LeoOrdialesBryanBagunasMarckEspejoRamonSuzaraAlasPilipinasPhilippineVolleyballPNVFAVCVolleyball
2
Read more

Mario Barrios, magiging maingat pa rin sa laban kontra Pacquiao

MarioBarriosMannyPacquiaoWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationMPPromotionBoxing
7
Read more

Pacquiao, pursigidong manalo kontra Barrios kahit may edad na

MannyPacquiaoMarioBarriosPhilippineBoxingWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationTopRankMPPromotionBoxing
5
Read more

PSC dinagdagan ng 5k ang allowance ng National Athletes at Coaches

JohnPatrickGregorioPhilippineSportsCommissionPOCNationalAthletesGrassroots
5
Read more

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
21
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
5
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
5
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
8
Read more