Philippine rugby team ng bansa nakasungkit ng 2 gintong medalya

Rico Lucero
photo courtesy: Nepal rugby Assn.

Nakasungkit ng dalawang gintong medalya ang national rugby teams ng bansa na Philippine Volcanoes sa Asia Rugby Emirates Sevens Trophy sa Dasharath Stadium sa Kathmandu, Nepal.

Ipinamalas ng men's national rugby team, sa pangunguna ni Darryl Suasua, ang kanilang mahusay na teamwork para manaig sa kalabang Chinese Taipei sa pamamagitan ng 27-12 panalo sa finals, habang ang kanilang women counterpart, na pinangungunahan ni Samantha Scott, ay sumunod na nakakuha ng 7-5 panalo kontra sa India.

Ayon kay Ada Milby na pangulo ng Philippine Rugby Football Union (PRFU) na labis silang natuwa sa tagumpay ng rugby team ng bansa. 

“We are immensely proud of both our women’s and men’s teams for their performances and dedication,” ani Milby. 

“Winning double gold is a historic achievement for Philippine Rugby and reflects the hard work of the athletes, coaches, and support staff. We are excited to see the continued growth and success of rugby in the Philippines.”

Ang mga squad ng Philippine Volcanoes ay nakapagkamit ng tagumpay dahil sa kanilang isinagawang masusing pagsasanay at competitive na selection process.

Ang naging paligsahan sa Nepal ay lumikha ng isang mahalagang punto ng pagbabago na nagpapakita ng kapangyarihan at potensyal para sa mga programang nakalaan para kalalakihan at kababaihan sa bansa.

Haharap naman ang Philippine Rugby team sa susunod na taon para muling makipag kompetensya sa Asia Rugby Emirates Sevens Series.