PBA: NLEX Road Warriors may pag-asa pang makapasok sa playoffs

JongUichico JonnelPolicarpio RobertBolick TonySemerad RobHerndon NLEX NLEXRoadWarriors PhoenixFuelMasters TNTTropangGiga RainOrShineElastoPainters PBA Basketball
Rico Lucero
Photo Courtesy: PBA

Napanatili ng NLEX Road Warriors ang kanilang pag-asa na makapasok sa playoffs matapos talunin ang Phoenix Fuel Masters kagabi, January 19, sa Ynares Center, Antipolo City, 108-94. 

Ang nakaraan nilang laban kontra TNT Tropang Giga ang nagsilbing inspirasyon ng Road Warriors para makabawi ng panalo sa nagpapatuloy na PBA Season 49 Commissioner’s Cup. 

Hindi rin naiwasan ni NLEX head coach Jong Uichico na matuwa at purihin ang kanyang mga local players dahil sa mga naging ambag ng mga ito para makamit ang kanilang panalo. 

“Everybody had their mindset to contribute in today’s game. Alam nila gaano ka-importante yung laro ngayon. Everybody had the mindset and the will na maka-contribute maski papaano sa larong ito. Then malaking bagay [sila]. Tony was great, he was able to come back and was a big help to us. Kay Herndon naman, nabigyan ko ng minuto. Kaya nanalo, maganda yung contribution ng lahat. Hindi naman namin kontrolado yung result, pero yung tsansa manalo today, binigyan nila yung sarili nila ng tsansa,” ani Uichico. 

Kuntento din si Uichico sa naging performance ni Jonnel Policarpio kung saan tinulungan nito si Robert Bolick na maipanalo ang laban. Ayon sa dating La Salle Green Archer, ginawa lang umano nito at binigay ang kanyang buong makakaya sa oportunidad na binigay ng kanyang coach. 

“Binigay ko lang yung best ko sa opportunities na binigay sa akin ni coach. Hindi ko lang sinayang. Talagang sinunod ko lang yung game plan namin nila coach kanina,” ani Policarpio.

Nanguna sa panalo ng NLEX si Robert Bollick na nagtala ng 26 points, siyam na rebounds at isang steals, habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at isang steal si Jonnel Policarpio.

Mayroon namang 15 points si Tony Semerad, habang 11 points naman ang naitala ni Rob Herndon.

Sa mga susunod na laban ng NLEX, kailangang mapagtagumpayan nila ang Rain or Shine Elasto Painters at Hong Kong Eastern, at nasa kanila na ngayon ang baraha para sulitin ang natitirang mga pagkakataon na kailangan nilang gawin para makatiyak ng pwesto sa playoffs. 

The Scores:

NLEX 108 – Bolick 26, Watkins 22, Policarpio 17, Herndon 15, Semerad 11, Torres 9, Ramirez 5, Nieto 3, Mocon 0.

PHOENIX 94 – Smith 36, Rivero 13, Muyang 8, Perkins 8, Tio 7, Tuffin 6, Jazul 5, Alejandro 3, Ballungay 2, Manganti 1, Salado 0, Ular 0, Verano 0, Camacho 0.

Quarter Scores: 25-17, 45-48, 86-73, 108-94.

AVC Beach Tour 2nd Nuvali Open, opisyal nang umarangkada

RancelVargaJamesBuytragoKatEpaHoneyGraceCorderoAlas PilipinasBeach Volleyball
4
Read more

Creamline Cool Smashers reresbak sa Akari Chargers bukas

AlyssaValdezCreamlineCoolSmashersVolleyball
12
Read more

Jerusalem, napanatili ang WBC title kontra kay Shigeoka

MelvinJerusalemSanManBoxing
7
Read more

Tropang Giga, buhay pa ang tsansa para sa matinding Game 7

ReyNambatacCalvinOftanaPoyErramChotReyesRondaeHollis-JeffersonTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
9
Read more

Melvin Jerusalem, target ang KO victory kontra Shigeoka ng Japan

MelvinJerusalemYudaiShigeokaPhilippinesBoxing
7
Read more

Kenneth Llover, nasikwat ang OPBF Bantamweight title vs. Kurihara

KennethLloverPhilippineBoxingBoxing
8
Read more

TNT Tropang Giga nadiskaril sa Game 5 kontra Barangay Ginebra

CalvinOftanaPoyErramJustinBrownleeChotReyesTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketball
10
Read more

Game 3 win nasungkit ng Tropang Giga laban sa Barangay Ginebra

ReyNambatacGlennKhobuntinCalvinOftanaRRPogoyTNTTropangGigaBarangayGinebraSanMiguelBasketballPBA
9
Read more

16th Asian Lawn Bowls Championships, gaganapin sa bansa sa Abril

RonalynRedimaGreenleesRodelLabayoRositaBradbornPhilippineLawnBowlsLawnBowl
8
Read more

Martin, sasabak sa non-title super bantamweight sa Linggo

CarlJammesMartinPhilippineBoxing
11
Read more

Grassroots program nais palakasin ng Philippine Aquatics Inc.

EricBuhainKylaSanchezPhilippineAquaticsPhilippineSportsCommissionPSCSwimming
9
Read more

Pinoy basketball referee, kabilang sa elite level ng FIBA

GlennCornelioFIBAAsiaCupEastAsiaSuperLeagueBasketball
8
Read more

Joseph Javiniar wagi sa Road Cycling Elite Criterium event

JosephJaviniarRoadCyclingEliteCriteriumCycling
28
Read more

Gilas Pilipnas tututukan naman ang pagsali sa FIBA Asia Cup

JustinBrownleeJapethAguilarMasonAmosAJEduCalvinOftanaGilasPilipinasFIBAAsiaCupBasketball
19
Read more