PBA: Hotshots coach Victolero, magmumulta dahil sa pangongompronta sa game officials

Rico Lucero
photo courtesy: PBA

Binigyan ng leksyon ng PBA ang hindi magandang asal na ipinakita ni Magnolia Hotshots coach Chito Victolero pagkatapos ng 111-106 overtime loss ng Hotshots sa Rain or Shine sa Game 3 ng kanilang PBA Season 49 Governors’ Cup quarterfinals sa Ynares Center sa Antipolo noong Linggo, Setyembre 29.

Kung maaalala, sa pagtunog ng final buzzer, sumugod si coach Chito sa mesa ng mga opisyal para ireklamo ang goaltending violation na ginawa ni Elasto Painters forward Jhonard Clarito kay Zavier Lucero. Sa tindi ng galit ni Victolero ay kinailangan pa siyang pigilan ng ibang coaching staff ng Magnolia kabilang sina Jason Webb at Tony Boy Espinosa.

Hindi naman ito pinalampas ni PBA Commissioner Willie Marcial, at sinabi nito na automatic na mayroon aniya itong fine.

“May fine ‘yun. Matic ‘yan.” ani Comm. Marcial.

Matatandaang sa score na 106-104, sumagasa ng layup si Lucero pero hinabol ito ni Clarito at binutata. Kasunod naman nu’n, ay binigyan ni Jerrick Ahanmisi ng quick foul si Gian Mamuyac.

Nagkaroon ng dead ball, kung kaya ni-review ang naging nangyaring play nina Lucero at Clarito. Tinawagan ng goaltending si Clarito, kaya’t naging counted ito at naitabla na sa 106 ang score. Pero nanatili pa rin ang foul ni Ahanmisi kay Mamuyac kaya’t nabigyan ito ng free throws dahil nasa penalty na rin ang Hotshots. Naipasok ni Mamuyac ang unang tira, subalit sablay na ang pangalawang tira nito pero dumamba ng rebound si Aaron Fuller sa 8 segundong natitira sa oras. Nagbigay naman agad ng foul si Calvin Abueva kay Fuller at naipasok nito ang dalawang free throw shot na nagresulta sa 109-106 score.

Umabante ang Rain or Shine sa series, 2-1, subalit sa Game 4 ng best-of-five nitong Martes ng gabi, Oktubre 1, ay hindi na pumayag ang Hotshots na matalo pa silang muli ng Elasto Painters kung kaya tinambakan nila ito, 129-100, dahilan para magkaroon pang muli ng Game 5 sa darating na Sabado.

Samantala, Ni-re-review na rin ng PBA technical committee, sa pangunguna ni deputy commissioner Eric Castro, ang ginawa namang pagrereklamo ni Paul Lee sa isang referee matapos ang final play kung saan na-intercept umano ni Clarito ang ang inbounds na para sana kay Lee.

Mga hamon, pagsubok at tagumpay na pinagdaanan ng Volleybukids

PedroAquinoJr. NicoleTiamzonMylaPabloRemPalmaCoachKojiTzusubraVolleybukidsPetroGazzAngelsSpikeandServePhils.Volleyball
13
Read more

Pinoy fighter wagi ng ginto sa Asian Muay Thai Championships

LJRafaelYasayLyDieuPhuocRhicheinYosorezMaiHoangKhanhAlbertPangsadanPhilippineMuayThaiMuayThai
3
Read more

Alex Eala pasok sa semifinals ng WTA 250 Eastbourne Open

AlexEalaPhilippineSportsCommissionTennisLawnTennis
7
Read more

Bago at modernong Velodrome sa Tagaytay City, pinasinayaan na

AbrahamTolentinoDonCaringalRichardBachmanCarlosYuloPhilippineSportsCommissionPhilippineOlympicCommitteePhilippineCyclistCycling
4
Read more

Alex Eala pasok na sa quarterfinals ng 2025 Eastbourne Open

AlexEalaJelenaOstapenkoPhilippinesTennisLatvianTennisLawn Tennis
6
Read more

Canelo Alvarez kayang dominahin sa laban si Crawford - Mosley

CaneloAlvarezTerrenceCrawfordSugarShaneMosleyWorldBoxingCouncilWorldBoxingOrganizationBoxing
7
Read more

WBC Champ Barrios, dedma sa galing ni Pacquiao sa boxing ring

MarioBarriosMannyPacquiaoMarkMagsayoEumirMarcialJerwinAncajasMPPromotionPhilippineBoxingChampionWorldBoxingOrganizationBoxing
3
Read more

Mananalo sa Pacquiao-Barrios fight, hinamon ni Brian Norman Jr.

MannyPacquiaoMarioBarriosBrianNormanJr.PhilipineBoxingMexicanBoxingWorldBoxingOrganizationWorldBoxingCouncilBoxing
4
Read more

Manny Pacquiao, puspusan ang ensayo sa Los Angeles kontra Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosJimuelPacquiaoEumirMarcialMarkMagsayoPhilippineBoxingBoxing
3
Read more

Shane Mosley, tiwalang mananalo si Pacquiao laban kay Barrios

MannyPacquiaoSugarShaneMosleyPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationWorldBoxingOrganizationBoxing
6
Read more

Manny Pacquiao, negatibo sa drug test bago ang laban kay Barrios

MannyPacquiaoMarioBarriosMauricioSulaimanPremierBoxingChampionWorldBoxingOrganizationVoluntaryAnti-DopingAssociationBoxing
8
Read more

Tropang Giga, target ang PBA Grand Slam ngayong Philippine Cup

CalvinOftanaRRPogoyKellyWilliamsPaulLeeMarkBarrocaTNTTropangGigaMagnoliaChickenTimpladosHotshotsBaskeball
4
Read more

Donaire, panalo sa kanyang comeback fight kontra Campos ng Chile

NonitoDonaireAndresCamposPhilippineBoxingChileanBoxingBoxing
6
Read more

Ikatlong panalo, nasungkit ni Bomogao vs. Nerea Rubio ng Spain

IslayErikaBomogaoTeamLakayMuayThaiPhilikppinesMixedMartialArts
10
Read more