Palmera-Dy: “Malaking impact to sa women’s basketball players.”

Naniniwala si Discovery Perlas Raiza Palmera-Dy, na malaki ang kinalaman ng Women’s Maharlika Basketball League (WMPBL) sa paghubog at pagdiskubre ng mga nakatago pang talento ng mga Pinay Basketball player sa bansa.
Para kay Palmera-Dy, ang WMPBL ay pwedeng maging isang smudge pot ng talento sa bansa para magkaroon ng mayamang breeding ground ng mga kababaihang manlalaro na maaaring isabak sa Women’s Gilas Pilipinas.
Sinabi ni Palmera-Dy na sabik aniya siyang makita kung ano pa ang hinaharap para sa basketball sa mga kababaihan.
“Actually malaking impact talaga to [sa national team] kasi almost lahat ng generations na napagdaanan namin, nandito na lahat eh, up to until kami. I think kami na yung oldest dito eh, yung veterans,” ani Palmera-Dy.
“Napakalaking eye opener sa lahat ng women’s basketball players. At the same time yung SBP and yung government natin natutulungan din na baka mayroon mga potential athletes din dyan na women’s basketball player na maka-join sa national team na di pa naddiscover, so malaking bagay to,” dagdag pa niya.
Ikinatuwa din nito, kabilang na ng dati nitong team mate sa FEU na si Alliana Lim na kahit mga veterans na ang turing sa kanila ay napabilang pa rin sila sa WMPBL at pinalad na makapaglaro sa inaugural season ng ng Liga, kung kaya naman ay ipinagpapasalamat nila ito lalo na sa mga sumusuporta at naniniwala sa kanila.
“Yun sabi ko nga kay Alliana, nung nagk-kwentuhan kami, parang it’s very nice na naabutan namin itong inaugural season ng WMPBL and we’re really grateful. Kaya nagpapa-salamat talaga kami sa sumusuporta at naniniwala sa amin,” pagtatapos ni Palmera-Dy.
