Naoya Inoue napanatili ang titulo kontra Ramon Cardenas via TKO

Napanatili ni undisputed Super Bantamweight Japanese boxer na si Naoya Inoue sa kanyang titulo matapos na talunin via TKO ang American boxer na si Ramon Cardenas sa Round 8 sa Las Vegas Nevada nitong weekend.
Marami sa mga Japanese boxing fans ang nagulat nang pinabagsak ni Cardenas sa ikalawang round si Inoue sa pamamagitan ng isang left hook.
Pero agad namang nakabangon si Inoue at pinag-aralan ang estratehiya ng kalaban sa mga sumunod na round.
Aminado ang Japanese boxer na nagulat din siya noong tinamaan siya ng left hook ng kalaban subalit agad namang bumawi ito sa mga sumunod na round at pinaulanan ng sunud-sunod na suntok at atake sa kalaban.
"I was very surprised but I was able to calmly pull myself together. In the first round I thought I had pretty good distance but in the second round it kind of got a little loose. From thereafter I made sure I didn't take that punch again," ani Inoue.
Pagsapit ng 8th round ay muli itong nagpakawala ng malalakas na suntok at kumbinasyon kung kaya naman agad ng itinigil ng referee ang laban sa maagang oras ng round na ito.
Sa kasalukuyan, may malinis nang record si Inoue na 30-0 kung saan 27 sa mga ito ay knock out.
